Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo face infidelity issues

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/30/2011 10:03 AM
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo face infidelity issues


113011-juday1_main.jpgSa book launch ni Ricky Lee para sa Amapola sa Kabanata 65 na ginanap sa Skydome, naging parte ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang suporta sa batikang manunulat. At dito nga ay sinagot na nila at tinuldukan ang mga issue na naiuugnay sa mag-asawa nang makausap ng Push.com.ph si Ryan at Juday.

Isa nga dito ang matagal nang isyung may namamagitan daw kina Ryan at ng Brazilian host/model na si Daiana Menezes. Kahit nga nagkaroon na ng karelasyon si Daiana at ngayon ay hiwalay na rin sa direktor na si GB Sampedro, mas napaigting pa ang issue na may namamagitan nga sa kanilang dalawa. At sa usapin nga ng pagkakaroon diumano ng “ibang babae” ni Ryan, ang kanyang naging sagot, “Ganun talaga hindi mo maiiwasan ang tao mag-isip ng kung anong gusto nilang isipin. There’s only so much you can say to change their minds, kami okay naman [ni Juday] kaya walang issue.”

Inamin din ni Juday kamakailan lang sa presson ng kanilang MMFF entry na Househusband na malaking dahilan sa kanyang pagpapapayat ang hindi mamatay-matay na issue kay Ryan at isa nga daw dito ay ang pagseselos niya kaya talagang nagpursige siyang magbawas ng timbang. “Hindi naman pinagselosan pero siyempre ‘di ba ayaw mo naman na lalo mabuo sa utak ng mga tao na kasi ‘di ba may issue na nang nai-involve kay Ryan na ganyan. Ang susunod na issue diyan ay kaya na-involve kasi ang misis pinabayaan ang sarili so para matapos na.”

Sa amin naman kasi walang issue e may mga malilikot lang kasi ang isip saka siyempre pantanggal umay ba, pannanggal umay ang issue para maiba lang diba? Makapanlikot lang pero sa amin wala namang issue. Napag-uusapan lang din namin pag tinatanong kami pero sa bahay hindi namin napag-uusapan,” sagot naman ni Ryan.

At nang tanungin namin si Juday kung pinagtitiwalaan niya ang kanyang asawa, aniya, “Oo naman, oo naman! Nandun naman yung trust sa isa’t-isa. Yung mga tao lang ang walang trust at loyalty sa relasyon namin.”