• Home
  • Fresh Scoops
  • Ram Revilla laid to rest; Bong Revilla asks for reinvestigation of brother's case

Ram Revilla laid to rest; Bong Revilla asks for reinvestigation of brother's case

The Revilla-Bautista clan is still shocked at the authorities' findings on Ram's death that involve two of his siblings.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/3/2011 10:08 AM
Ram Revilla laid to rest; Bong Revilla asks for reinvestigation of brother's case


110311-ram_main.jpgPighati ang bumalot sa pamilya Revilla-Bautista nang ihatid na  sa huling hantungan ang aktor na si Ram Revilla, 23, o Ramgen Jose Bautista sa totoong buhay.

Inilibing si Ram sa Revilla Mausoleum sa Angelus Eternal Garden sa Toclong, Imus sa pangunguna ng kanyang malalapit na kaibigan at pamilya.

Si Ram ay anak ni dating senator at aktor na si Ramon Revilla Sr.

Nagsimulang pasukin ni Ram ang showbiz noong siya ay 14 pa lamang.

Kilala si Ram sa kanyang roles sa mga serye tulad ng "Tonyong Bayawak."

Noong Biyernes ng gabi, nagulantang ang mundo ng showbiz ng malamang pinatay si Ram sa loob ng kanyang tahanan sa Parañaque.

Malubha namang nasugatan sa insidente ang nobya ni Ram na si Janelle Manahan.
Samantala, maliban sa sakit na nadarama dahil sa pagpanaw ng kaaanak, doble dagok ang nararamdaman ngayon ng mga Revilla dahil isinasangkot sa pagpatay kay Ram ang mga kapatid nitong sila Ramon Joseph “RJ” Bautista at Ramona Bautista.

Ayon sa mga Revilla mananatili ang kanilang suporta sa 2 mas nakababatang kapatid ni  Ram.

Para sa ina ni Ram na si Genelyn,  hindi kayang gawin ng kanyang mga anak ang pumatay ng sariling kapatid.  

Kailangan namin ng katarungan hindi muna ng pagpapatawad. Katarungan para sa pagkamatay ni Ram, katarungan para sa anak kong si Ramona, katarungan para kay Joseph na ikinulong nila,” sambit ng ina sa ABS-CBN News.

Naniniwala din si Genelyn na may malaking tao ang nais sumisira sa kanyang pamilya.

Para kay senador Ramon "Bong" Revilla Jr., half-brother ni Ram, isang masamang panaginip ang nangyari sa kanilang pamilya.

Napakasamang panaginip para sa aming pamilya na hanggang ngayon parang hindi pa kami magising. Ang hiling  lang po namin sa ating mga kababayan, sana po ay patuloy  ang pagdarasal na sana’y malagpasan namin itong mga pagsubok na dumarating sa aming pamilya,” sambit naman ni senador Ramon "Bong" Revilla Jr., half-brother ni Ram pagkatapos ng libing.

Hiling ni senador magkaroon ng reinvestigation sa kaso.
 
Nakikiusap ako na kung maaari na magkaroon ng reinvestigation. Siguraduhin natin na tama ba iyon? Parang hindi kapanipaniwala na kayang gawin iyon ng aming kapatid,” dagdag niya.