• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto admits that she regrets her past rift with Angelica Panganiban

Gretchen Barretto admits that she regrets her past rift with Angelica Panganiban

Gretchen Barretto reveals that she has gotten to know and like Angelica Panganiban.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/3/2011 9:54 AM
Gretchen Barretto admits that she regrets her past rift with Angelica Panganiban


110311-gretchen_main.jpgVocal si Gretchen Barretto tungkol sa kanyang excitement na makatrabaho sina Angelica Panganiban at KC Concepcion sa teleseryeng Alta na any time now ay sisimulan na nilang i-tape. Matatandaang noon ay nagkaroon ng iringan sa pagitan nina Gretchen at Angelica matapos hindi magustuhan ng huli ang mga “playful comments” ni Gretchen na mga papuri kay Derek Ramsay, na boyfriend ni Angelica. “I’m very excited to work with Angelica and KC kasi naka-work ko na sila and nakasama ko rin si Angelica [sa shampoo commercial] and parang nahuli ko na siya.”

Sa tanong na kung may posibilidad bang maging mas malalim ang kanilang pagkakaibigan ni Angelica, ang sagot ni Gretchen, “I believe so. Nakilala ko kasi ang totoong Angelica sa workshop, so pag-uwi ko nga tinext ko si Derek. Sabi ko, ‘Oh my God, I really like Angelica. Parang I feel sorry for the time noon nung nagkatampuhan kami. You know, you really have to know the person talaga.’ Sabi ni Derek, ‘I told you.’ So sabi ko, ‘Yeah I thought so.’  Tahimik si Angelica dun ako nahihirapan. Pero I know eventually magiging maingay na rin, eh ako ang kasama niya eh.

Magwo-workshop pa raw siya kasama ang mga actor na makakasama nila na sina Sam Milby, Luis Manzano, at Zanjoe Marudo. Kilala na raw niya si Luis at nakilala si Zanjoe through Bea Alonzo, na naging kaibigan ni Gretchen noon sa teleseryeng Magkaribal.

Pinaghahandaan din daw ngayon ni Gretchen ang kanyang character na Marga sa upcoming soap na Alta dahil gusto raw niyang tumatak sa mga tao ang magiging role niya. Dadag pa nga niya, ready na ang mga isusuot na damit niya at talagang nag-exercise ng maigi para maging fit. Pinag-aaralan na raw niyang mabuti ngayon ang script para naman maging maganda ang kanyang portrayal.

Sinagot din ni Gretchen ang tanong kung bakit natagalan ang pagsisimula ng Alta although noon pa ito na-announce. “Creatively kasi mahirap daw talaga mag-umpisa after [gawin ang] Magkaribal. Kailangan talagang [gawing] kaabang-abang din ito.”