Piolo Pascual speaks about KC Concepcion's tell all

In an interview with ABS-CBN News, Piolo apologizes to those affected by his and KC's split.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/28/2011 4:40 PM
Piolo Pascual speaks about KC Concepcion's tell all


112811-piolo_main.jpgNagsalita na sa wakas si Piolo Pascual sa isyu ng hiwalayan nila ng aktres na si KC Concepcion.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Piolo mula sa biyahe niya sa ibang bansa, humingi ng pagunawa ang aktor sa  mga taong naapektuhan ng kanilang hiwalayan.

"I apologize to the public for the break up and both of us are undergoing personal crisis," ani Piolo.
 
Dumating si Pascual kasama si Enchong Dee sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 mula sa Nagoya, Japan.

Ayon kay Piolo, pababayaan na lang niyang panahon ang maghilom ng sugat na dulot ng kanilang paghihiwalay.

Hindi din inialis ni Piolo ang posibilidad na maari pang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang kanilang relasyon.

Nitong Linggo sa "The Buzz," umiiyak na inamin ni KC na hiwalay na sila ni Piolo na naging nobyo niya ng halos isang taon. (read KC's full interview HERE)