• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on Piolo Pascual: 'Hindi ako 'yung hinahanap niya sa buhay niya'

KC Concepcion on Piolo Pascual: 'Hindi ako 'yung hinahanap niya sa buhay niya'

The actress finally reveals she and Piolo have parted ways; says she wishes for true love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/28/2011 12:58 PM
KC Concepcion on Piolo Pascual: 'Hindi ako 'yung hinahanap niya sa buhay niya'


112811-kc_main.jpg

Naging kaabang-abang at madamdamin ang pangungumpisal ni KC Concepcion saThe Buzz ngayong Sunday, November 27 nang aminin na niya finally na hiwalay na sila ni Piolo Pascual. Sa nasabing tell-all interview, may mga pagkakataong pinili ni KC na huwag sagutin ang ilang tanong kagaya ng pag-amin sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Naging generic ang sagot ng actress-host sa ilang tanong dahil aniya nga “ayaw niyang makasakit ng damdamin ng ibang tao.”

Narito ang kabuuang interview ni Boy Abunda sa kanyang co-host.

Boy Abunda: Nung maging officially kayo ni Piolo Pascual, what was it like? Go back, take me back to October 21 (2010)? [Ang petsa kung kailan sila naging opisyal na mag-on]

KC Concepcion: Actually simula nung 18 (years old) ako tinry na niyang well, ligawan ako. Nung 18 ako. But then in the last three years talaga since bumalik ako from abroad, siya ‘yung unang bumungad sa akin, siya at saka ‘yung barkada niya. ‘Yung una kong nakilala, two years kasi ako, Tito Boy, niligawan talaga ni PJ na on and off. So talagang sa loob-loob ko sabi ko, sabi kasi nila kailangan mo talagang kilalanin ang taong ‘yon. So ‘yun talaga ang ginawa ko. Uhm kinilala ko siya, simula talaga ng Lovers in Paris na talagang sinasabi niya na he wants to get to know me more. May mga time pa na three months kaming hindi nag-uusap tapos biglang bumalik siya tapos nanligaw na talaga.

BA: What would you be thinking those times na wala na tapos babalik na naman?

KC: Na baka hindi siya sure sa akin or baka iniisip mo na lang nung natapos ‘yung Lovers… baka kasi break muna kasi araw-araw kaming nagkikita. Basta nagdi-date na rin ako ng iba na non-showbiz naman kaya lang hindi alam ng tao. And then he came back nung April of 2010 and then sabi niya nung birthday ko, pinuntahan niya ako and then sabi niya, ‘give me another chance.’

(continued on next page)

BA: At binigyan mo siya ng pagkakataon?

KC: Opo naman. And so after that, by October 2010, he asked me to be his girlfriend. And for me ano lang, babae lang ako na niligawan na kinilig nang sobra. Kasi ‘di ba tingnan ka lang ni Piolo nang konti eh talaga namang as a girl, kikiligin ka talaga. Uhm as I always say, ikaw ba ligawan ka, ikaw ba ligawan ni PJ or somebody na kasimbait niya or somebody na ganyan ka guwapo…? Nagpapakatotoo lang naman ako.

BA: During this time itong two years na nililigawan ka ni Piolo, sigurado ako dahil meron akong nakausap na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa iyo, hindi sila boto kay Piolo.Looking back ngayon, habang nag-uusap tayo, naiintindihan mo ba kung saan nanggagaling yung mga opinyon na yun?

KC: Napag-usapan namin 'yan Tito Boy ni PJ, and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din naman nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him. So, sabi ko, 'Poproblemahin ba natin yun yung ibang tao? Kasi anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me. So, sabi ko, 'Wag natin pansinin yung ibang tao. If anything, ako, sasabihin ko sa iyo I trust you. So let's make it a point na kung anuman yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo, yun ang paniniwalaan ko.

BA: What was the best thing about that relationship?

KC: You know, it's my first showbiz relationship, e.

BA: Ibig sabihin, taga-showbiz?

KC: Yes, pareho kami ng trabaho. So, I think the best thing is that natuto ako na parang mas naging mas mature talaga ako sa relationship na ito. First relationship ko rin na seryoso talaga, to the point na may mga bagay na hindi naman kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept.

BA: May mga bagay na mahirap pero tinatanggap, and that's mutual.

KC: Mas naiintindihan ko kung ano yung pagmamahal. It sounds corny, pero yung mas accepting ako.

(continued on next page)

BA: Ikumpara mo nga Kristina ang October 21 of 2010 at ang October 21 of 2011. May mga pagbabago? Pagkakapareho? Saan napunta ang relasyon?

KC: Marami pong naklaro sa akin.

BA: Katulad?

KC: Yung mga kaya ko at di ko kayang gawin.

BA: Bilang girlfriend?

KC: Bilang babae, na minsan... uhm, kailangan mo rin intindihin yung sarili mo. Kasi bigay lang ako nang bigay, saka iniintindi ko lahat, Tito Boy. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako nang intindi, tanggap lang ako nang tanggap. Yun pala, hindi pala dapat gano'n.

BA: In some of your interviews, may mga pagkakataon na hindi namin masyado maunaawan ang sinasabi mo, especially when you refer to wanting to speak up tungkol sa ilang mga bagay na may kinalaman kay Piolo Pascual. Ito ang tanong ng ilang taong nanonood sa atin ngayon, sa pag-uusap na ito: Bakit ka nagsasalita ngayon? Why are we talking about this? Why the need to be able to tell your story?

KC: Tito Boy, kasi kailangan ko lang siyang gawin para sa sarili ko...uhm, ang dami po kasing nangyari.

BA: Can I give you the word? Katinuan? Sanity? Katahimikan?

KC: Opo, opo. Ang dami po kasing nangyari in the last year na parang bukod sa marami akong natutunan talaga, may mga masasayang moments naman, Tito Boy. Siyempre ano lang talaga, hindi kasi ako mahilig magkuwento ng problema namin sa iba, hangga't kaya ko pa. And I guess nung time na na-realize ko na talaga, na hindi na talaga ito gagana. Dalawa o tatlong buwan talaga ako pumapasok sa The Buzz every Sunday, or sa ASAP, na kunyari okay lang lahat. Kasi akala ko mawawala lang siya, na akala ko parang hindi naman kailangan malaman ng ibang tao, para maayos yung problem. But then, talagang pag pumapasok ako, tapos...pagdating ng commercial break... Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko dahil sa lahat ng pinagdadaanan namin. Nagkukulong na lang ako sa banyo. Hindi ko na puwedeng gawin yun, e. Hindi ko na siya kayang mag-isa.

BA: Diretsang tanong Kristina, hiwalay na ba kayo ni Piolo Pascual? Oo o hindi?

BA: Sabihin mo lang ang kaya mong sabihin sa amin. Bakit? Paano? Saan? Kailan? Sino ang nakipaghiwalay, how did it all happen? Tell me what you can tell me.

BA: Unahin natin, bakit kayo nagkahiwalay? Para maunawaan namin, at paano?

(continued on next page)

KC: May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi ayokong siraan siya. Pero let's just say na lahat talaga kaya ko, lahat! Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung anak niya! Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon, na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yun tanggapin... At kasalanan ko rin ito sa sarili ko, Tito Boy, kasi siyempre ginusto ko naman ito, di ba? So, kasalanan ko rin sa sarili ko kasi 'pinaglaban ko pa, e. Saka sobra-sobra talaga akong nagtiwala. Sobra.

BA: May third party ba?

KC: Ayoko pong sagutin, Tito Boy.

BA: Kristina, gaano kasakit ang sakit? How painful is painful?

KC: Sobra po.

BA: Galit ka?

KC: Ngayon ko lang po na-realize na opo.

BA: Galit ka dahil? Anong nagawa sa iyo? Ano ang hindi mo kinaya? At bakit ka galit?

KC: Ewan ko kung bakit, paanong nangyari yung pain, at saka yung sama ng loob naging galit. Na talagang nagugulat din ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako. Hindi naman ako gano'n, and bigla na lang akong maiiyak kasi hindi pala ako okay. And then siya [Piolo], natatawa lang siya kapag nakikita kong ini-interview siya, idadaan lang niya sa joke. Sa tingin ko, Bakit ikaw ganyan? Ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli, mag-isa lang ako rito? Anong sasabihin ko sa pamilya ko? Anong sasabihin ko kay Mama [Sharon Cuneta] na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi na? Kasi kapag sinabi kong hindi na, magtatanong siya, Bakit? Anong isasagot ko sa kanya? Anong isasagot ko sa lola ko [Elaine Cuneta] na mahal na mahal siya? Hindi ko masabi kasi, e, hindi ko talaga masabi sa kahit na sinong tao kung anong nangyari. Hindi ko talaga puwedeng sabihin.

BA: Dahil kapag sinabi mo, anong mangyayari?

KC: Ayoko lang makasakit ng tao, Tito Boy. \

BA: Humingi siya ng tawad?

KC: Opo, ganun naman po si PJ, humihingi naman po ng tawad. Pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is para sana hindi na maulit. Kasi hindi ka naman magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit, paulit-ulit na magso-sorry.

(continued on next page)

BA: Did he ask for a second chance?

KC: Tito Boy, binigyan ko siya second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance. Pagdating ng eight chance, parang na-realize ko, hindi lahat ng problema, nadadaan sa kilig, hindi lahat ng problema nadadaan sa tawa, hindi lahat nadadaan sa kilig. Kasi ang galing-galing niyang magpakilig. Ang tanga-tanga ko nga Tito Boy, e. Dumating lang siya sa point na parang, Sandali lang, parang hindi na natin inaano yung totoong nangyayari. Kasi titingnan ka lang niya, ay, wala na, nakalimutan ko na lahat!Lagi na lang Tito Boy gano'n.

BA:  Pagbalik mo rito sa Pilipinas, you left again for the United States for a series of concerts, kasama mo si Piolo. How was that like?

KC: Sobrang challenging, Tito Boy.

BA: Kasi magulo na yun during that time.

KC: Tito Boy, sobrang every day talaga nung tour na yun, talagang parang test, parang exam.

BA: Nag-uusap kayo?

KC: Opo, nag-usap kami. PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why. And araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami, parang tug of war talaga. Kasi, ito yung taong minahal ko, o mahal mo, pero sobra akong nasasaktan ngayon. Pero mahal ko siya, pero hindi na talaga puwede. Araw-araw na magkasama kami, iniisip ko, Dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang. Ni hindi natin na-enjoy dahil hindi na gagana.

BA: Kristina, sa pinagdadaanan mong ito, sino ang kakampi mo? Saan ka humuhugot ng lakas?<