• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose says daughter Andi has become responsible because of her baby

Jaclyn Jose says daughter Andi has become responsible because of her baby

The actress says motherhood has changed Andi tremendously.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/28/2011 12:56 PM
Jaclyn Jose says daughter Andi has become responsible because of her baby


112811-jaclyn_main.jpgHanga si  Jaclyn Jose sa pagbabagong naganap sa kanyang anak na si Andi Eigenmann mula ng ito ay mabuntis at makapanganak nitong nakaraang Miyerkules (November 23).

Ayon kay Jaclyn, mas naging mature at responsable ang anak niyang si Andi at patunay dito ang maayos na paghawak ni Andi ng kanyang budget hindi lamang para sa kanya kung hindi para sa baby.

Sa panayam sa KrisTV nitong Lunes, sinabi ni Jaclyn na maging ang pambayad sa ospital ay pinaghandaan ni Andi na nakilala sa unang serye nitong "Agua Bendita."

"Ito ay kay Andi, si Andi. May money siya, nag-save talaga siya. When she got pregnant, sinabi ko sa kanya lahat ng mga consequences at ang dapat niyang gawin. Be responsible. Sa kanya lahat ito, wala akong gastos dito. Nag-save siya talaga," ani Jaclyn.

Dagdag pa ng bagong lola: "Lalo na ngayon na may baby na siya, feeling ko parang nag-tame siya at mas naging responsible."

Matatandaang nagsilang si Andi ng isang bouncing baby girl na pinangalanan niyang si Adrianna Gabrielle via cesarean section.
 
Sa panayam, hinarap din ni Jaclyn ang isyung nais di umano ng pamilya ni Albie Casiño, ang aktor na sinasabing nakabuntis kay Andi na makita din ang baby.

"Mayroon akong nabalitaan na parang gusto nilang makita. Sabi ko, sa isip ko if you are sincere about it, you can send flower or letter sa ospital or you can text. Wala. Sa public mayroon yata silang (ipinadala), pero sa personal, wala," sambit ni Jaclyn.

Matatandaang nito lamang buwan ay iginiit ni Jaclyn na hindi niya tanggap sa buhay ng kanyang apo ang pamilya ni Albie.