Derek Ramsay to undergo operation after an injury

The actor posted a comment on his Twitter account saying he might quit frisbee because of an arm injury.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/28/2011 12:56 PM
Derek Ramsay to undergo operation after an injury


112811-derek_main.jpgKay Derek Ramsay na mismo nanggaling na baka hindi na siya muling maglaro ng frisbee matapos siyang magtamo ng injury during a game sa isang international frisbee tournament na ginanap noong Linggo, November 27. Nakatakdang maoperahan bukas si Derek ng alas-9:00 ng umaga na ipinost niya sa kanyang Twitter account.

“My forearm is broken in three places. Operation is at 9am to have metal plates put in. Tnx for all your prayers,” post ni Derek kaninang umaga.

Binaha naman ng messages ang nasabing account ni Derek from his fans upang magbigay ng kanilang suporta at dasal sa mabilis niyang paggaling.

Samantala, humingi rin ng dasal ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban also via her Twitter account Sunday pa lang. “Please pray for Derek’s fast recovery. He got into an accident from frisbee. Broken arms. Needs operation tmrw... Thank you guys,” sabi ng aktres.

After a few hours, nag-post uli ng comment si Angelica sa account ng boyfriend na bakit nga ba salitan lamang silang naoospital. “:( why :( alternate lang tayo sa hospital..... Ang lungkot lungkot ko....” sabi pa ng dalaga.

Matatandaang noong birthday ng dalaga noong first week ng November ay nagkasakit rin si Derek.

Bukod dito, may isa pang kontrobersyang kinakaharap si Derek dahil sa mga lumalabas na mga bali-balitang lilipat na daw sa TV 5 ang aktor. Gayunpaman, wala pang komento ang binata sa isyung ito.