Sharon Cuneta on daughter KC: 'She's stronger now'

Megastar Sharon Cuneta shares that her daughter's relationship troubles have made them closer.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/27/2011 7:12 PM
Sharon Cuneta on daughter KC: 'She's stronger now'


112811-sharon_main.jpgKumpiyansa ang nanay ni KC Concepcion na si Sharon Cuneta na malalampasan ng kanyang panganay ang pinagdadaanang pagsubok ngayon na may kinalaman sa buhay pag-ibig. Bago pa man isiwalat ni KC ang paghihiwalay nila ni Piolo Pascual sa The Buzz nitong Linggo ay alam na ng Megastar ang tungkol dito.

Pahayag ni Sharon sa TV Patrol, “They’re adults so they know how to handle what’s coming their way.” Tungkol naman sa kanyang anak, ang positibong komento ng actress-host, “She’s stronger, she’s more aware now of the people and the things she should value more.”

Isa pang magandang naidulot ng hamon na kinakaharap ni KC ngayon ay ang magiging mas close nila ng kanyang ina. “If anything, we’re closer now and I appreciate that,” pagkumpirma ni Sharon.

Kahit sa interview ni KC sa The Buzz, kinumpirma niya na bago pa man umamin siya sa publiko ay alam na ng kanyang ina ang problema sa kanila ni Piolo. Paliwanag ni KC sa dating interview niya, bilang ina ay malakas ang instinct ni Mega at alam niya na may pinagdadaanan ang anak.

Matatandaang sa panahong sinasarili pa ni KC ang tungkol sa problemang relasyon ay pinakiusapan niya ang ina na samahan siya nang pumunta siya kamakailan sa America para sa isang event na ang host ay ang dating US President na si Bill Clinton at kung saan naimbitahan si KC.

Pagmamalaki ni noon ni Sharon, lahat ay bibitawan niya dahil alam niyang kailangan siya ng kanyang anak. Dagdag pa ng aktres, lahat ay gagawin niya para sa anak at lagi siyang nandoon para sa anak kapag kailangan siya nito.