• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Baka siya nga 'yung babae para sa akin'

Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Baka siya nga 'yung babae para sa akin'

The actor says he highly respects the actress and her family.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/27/2011 7:10 PM
Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Baka siya nga 'yung babae para sa akin'


112811-ashrald_main.jpgSa The Buzz  nitong November 27, na-interview ni Charlene Gonzales sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson para sa segment na “Straight From The Heart.” Ang unang tanong ng host ay kung kelan daw ba darating ang pagkakataon sa dalawang artista na uunahin nila ang pag-ibig kesa sa pamilya bilang pareho silang single ngayon.  Ang tugon ni Gerald, “Hindi ba pwedeng sabay? Kasi ‘pag in-love ka gusto mo pati pamilya mo boto sa babaeng mahal mo. ‘Pag lumalabas ka kasama ang girflriend mo o babaeng mahal mo kasama sila so pwede naman nating sabay.” Dagdag pa ng binata, kung sakaling magkaroon na siya ng girlfriend ay hindi niya iyon itatago at magiging proud siya.

Sinang-ayunan naman ito ni Sarah, na kilala ring very much involved ang nanay na si Divine kung usaping pag-ibig ang paksa.  “Mas gusto ko nga po syempre sabay kasi gusto natin ‘yung tanggap ng pamilya, masaya ang lahat (sa) kung sino man ang magiging (boyfriend ko),” ani Sarah. Muling magtatambal sina Sarah at Gerald sa upcoming movie na Won’t Last A Day Without You at ipapalabas sa Nobyembre 30.

Binanggit ni Charlene na sinabi ni Joey de Leon, na kasama rin sa pelikula, na si Sarah ang tipong wife material. Sumagi kaya kay Gerald na si Sarah ay ang babae para sa kanya? “Siyempre po, mas nakilala ko po si Sarah, tao din po ako (na) ‘di ko maiwasan (na maisip) minsan na baka siya nga ‘yung babae para sa akin. Kumbaga masarap kasi siyang kasama at mas nakilala ko siya. I really admire her but I don’t wanna get ahead of myself din. Mataas ang respeto ko sa kanya at sa pamilya niya.”

Kakilig-kilig din ang sagot ni Gerald nang tanungin siya kung ano sa tingin niya ang best asset ni Sarah. “Sinabi ko kasi sa kanya nung last shooting day sabi ko, ‘Napanood mo ‘yung Breaking Dawn, mas maganda ka pa kay Bella.’ Alam mo ang sinabi niya sa akin, ‘shut up!’” tawa ng binata.