Andi Eigenmann says she has no reason to feel incomplete

The first-time mom says Baby Elli is worth the struggles she had to go through.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/27/2011 7:05 PM
Andi Eigenmann says she has no reason to feel incomplete


112811-andi_main.jpg“Oo naman, face ko lang ‘no walang iba!” ito ang  prangkang sagot ni Andi Eigenmann nang tanungin kung kahawig ba niya ang bata nang bumisita ang The Buzz sa ospital matapos ipanganak ang kanyang baby girl na si Adrianna Gabrielle.

Ibang confidence din ang mapapansin sa mga salita ni Andi ngayong nailuwal na niya ang kanyang baby sa kabila ng pagiging kontrobersyal ng kanyang pagbubuntis. “I don’t see any reason why I should feel incomplete,” aniya.

Paglalarawan pa nga niya sa kanyang munting anghel, “Palagi lang siyang natutulog. Sobrang bait niya. Umiiyak lang siya ‘pag umaga ganyan pero hindi siya… like most of the time she’s always sleeping ‘yun medyo masaya ako kasi nasi-stress (ako) ‘pag umiiyak siya, kinakabahan ako eh.” Wala naman daw siyang mensahe pa para sa kanyang anak dahil walang duda raw na mahal na mahal niya ito.

Isa pang rason para maging masaya ni Andi ay ang suportang ipinapakita ng kanyang mga magulang—sina Jaclyn Jose at Mark Gil—dahil naroon daw sila para sa kanya every step of the way. Emosyunal nga si Andi sa pagsasabing sa ilang araw niyang pamamalagi sa ospital ay walang tigil ang pagdating ng mga bisita at mga taong nagmamahal sa kanya.

Ang mensahe ni Andi para sa kanyang mga magulang, “Thank you so much for showing me that you’re always there to support me. And for not making me doubt the fact that you’re gonna be there for me no matter what and that I should not be afraid to run to ‘you guys for anything. It’s so nice to know that a lot of people are there for me and they support me no matter what. Sa lahat man ng pinagdaanan ko dati kahit nasaktan man ako, kung anuman, for me worth it lahat ‘yon kasi kahit nangyari ‘yon sa akin andami pa ring nandyan para sa akin (na) nagparamdam na hindi ako masamang tao.”