• Home
  • Fresh Scoops
  • Wife of "Papa Chen" not affected by his sweet scenes with Ai Ai, Cherry Pie

Wife of "Papa Chen" not affected by his sweet scenes with Ai Ai, Cherry Pie

Richard Yap says his wife Melody is acting as his personal assistant and is very supportive of his new career.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/26/2011 9:23 PM
Wife of


112711-richard_main.jpgInamin ng baguhang Kapamilya star na si Richard Yap o mas kilala bilang ang guwapong si "Papa Chen" sa sikat na seryeng My Binondo Girl na hindi apektado ang kanyang maybahay na si Melody sa sweet scenes niya kasama ang kanyang dalawang leading lady sa show na sil Ai Ai delas Alas at Cherry Pie Picache.

"Hindi naman (sila affected) and no (hindi siya galit kila Cherry Pie and Ai Ai)," pahayag ni Richard sa ABS-CBN's morning show na Kris TV kamakailan.
 
Si Yap na halos 15 taon ng kasal kay Melody ay iginiit na walang problema ang kanyang misis pagdating sa kanyang acting job.

"Parati lang silang naglolokohan but she's cool with it... hindi naman siya selosa."

Para pa nga kay Melody, wala siyang nakikitang masama kung sakaling dumating ang panahong kailanganing gumawa ng kissing scene ang kanyang asawa.

"Okay lang naman if the story really needs it," paliwanag ni Melody.  

Sa nasabi ding panayam, mas naging bukas si "Papa Chen" sa kanyang personal na buhay.

Aniya ang kanyang dalagitang si Ashley, 15, at ang kanyang anak na si Dylan, 8, ang siyang kumimbinse sa kanya para gampanan ang role niya bilang "Papa Chen" sa My Binondo Girl.

Si Yap, 44 at taga Cebu ay umamin ding humingi din siya ng permiso sa kanyang maybahay para gawin ang serye.

Maliban sa pagpayag ni Melody ay umaakto pa ito ngayon bilang kanyang personal assistant o PA.

"Alam mo instead of getting somebody else to take care of my things siya na lang, she acts as my PA" ani Richard.

Dahil sa busy schedule niya, tinitignan ni Richard at ng kanyang asawa na bonding time nila ang taping para sa serye.

Sa My Binondo Girl ang karakter ni Richard na si "Papa Chen Sy" ang siya namang ama ni Jade na ginagampanan naman ni Kim Chiu, lead star ng nasabing serye.