• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee addresses criticisms about his closeness with Julia Montes

Enchong Dee addresses criticisms about his closeness with Julia Montes

Enchong Dee hopes that people would understand that his work is separate from his personal life.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

11/26/2011 10:14 PM
Enchong Dee addresses criticisms about his closeness with Julia Montes


112711-enchong_main.jpgHindi nagustuhan ng ilang fans ang naging pag-amin ni Enchong Dee na balak niyang ligawan si Julia Montes kapag ito’y nasa tamang edad na. Ang paniniwala kasi ng iba ay nakakasira ito ng love team ng young actor at ang kanyang Maria La Del Barrio co-star na si Erich Gonzales. Pero nilinaw ni Enchong na hiwalay ang kanyang personal na buhay sa trabaho niya bilang artista. “Gusto ko lang iklaro na yung sa amin ni Erich iba dun sa amin ni Julia. Magkaibang mundo yun.

Ayon pa kay Enchong, ayaw daw niyang isipan ng negatibo kung ano man ang maging opinyon ng ibang tao tungkol sa kanila ni Julia. “Hindi kasi namin napag-uusapan kasi alam naman namin na trabaho namin ito, ganito talaga sa mundong ito e. And siguro, ang hindi ata nila (critics) alam na kapag may sinasabi sila sa amin, or kapag sinisiraan nila kami, the more na andun yung atensyon sa amin. Parang people want to know more about us. I don’t see it na pinu-put down nila kami kasi sila pa ang nagbibigay ng paraan para i-angat kami [ni Julia].”

Nagpasalamat din si Enchong sa mga taong patuloy na sumusuporta at nakakaunawa sa kanya. “Oo, nakakatuwa nga kasi mga fans ko mismo yung napaka-understanding and dun mo malalaman kung sino yung sumusuporta sa ’yo all throughout. Love team or no love team, nandiyan talaga sila para sa akin.”

Ano ba kasi ang nag-udyok sa kanya na aminin sa publiko ang paghanga niya kay Julia? “Actually, hindi nga ako nagsalita e, pinilit niyo lang ako magsalita. Matagal pa yun so confident ako [na sabihing liligawan ko siya kapag 18 years old na siya].” Pero totoo naman daw talagang may feelings siya para sa young actress. “Oo naman, sinabi ko naman na crush ko siya.”

Nagustuhan daw ni Enchong si Julia dahil nagkakasundo sila sa maraming bagay. “Gustong-gusto ko yung idea na wala sa amin yung show business. Hindi namin ramdam na artista kami. Hindi namin ramdam na mas mataas kami kaya nagdya-jive kami.” Nang sabihin naming ikinatuwa ni Julia ang pagbigay nito ng respeto sa kanyang lola, ito ang naging sagot niya, “Yeah, importante yun lalo na sa Pilipino ‘di ba? Kapag may gusto kang someone, kailangan pati yung minamahal ng someone mo mamahalin mo.”

Sa kabilang banda, masaya si Enchong dahil hindi naman sila pinagbabawalan ng ABS-CBN management na magkaroon ng special someone. “Oo walang pressure. Kasi pressured na kami on how to act, on how to perform well… Kaya in that aspect ibinibigay na sa amin ng management, kaya masaya ako.”