• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin reacts to Maja Salvador's statement to respect his decision

Coco Martin reacts to Maja Salvador's statement to respect his decision

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/26/2011 10:09 PM
Coco Martin reacts to Maja Salvador's statement to respect his decision


112711-coco_main.jpgMagkakasabay umalis ng Pilipinas para sa isang concert sa Canada sina Coco Martin, Maja Salvador, at Angeline Quinto. Ten days ang ilalagi nila doon at inamin ni Maja na hindi pa sila nakakapag-usap ni Coco tungkol sa nangyaring insidente noong Star Magic Ball kung saan nagkainitan sina Coco at ang kasintahan ni Maja na si Matteo Guidicelli. Nang makausap ng Push.com.ph si Coco kung sa biyahe bang ito ay magkaroon na sila ng pagkakataon para makapag-usap, ito ang kanyang nasabi, “Honestly, ako gusto ko kasi sabi ko nga malalim yung pinagsamahan naming ni Maj e (Maja’s nickname to friends).

Pero walang hinahangad ang actor kung ‘di maayos kung anuman ang hindi magandang namamagitan sa kanila sa ngayon “Siyempre sabi ko nga ang liit lang ng showbiz e, gusto ko ulit siya makatrabaho. Sana makapag-ayos at makapag-usap kami.”

Tinanong din ng Push.com.ph si Coco kung balak ba niyang siya ang gumawa ng first move para makapag-usap sila. “Actually dun ako kinakabahan siyempre bilang tao ayoko din naman mapahiya at masaktan pero siyempre pakikiramdaman ko siya, kung saka-sakaling makakaramdam ako ng okay naman at wala namang… ano. Kasi umiiwas talaga ako sa ano e, kumbaga after nung nangyari, umiiwas na ako sa kahit na anong gulo na pwede kong mapasukan. Sabi ko nga ayaw ko na ulit makaapak pang muli ng tao kung saka-sakali.”

Natanong din namin sa aktor ang reaksiyon niya sa binitiwang salita ni Maja hinggil sa desisyun niyang huwag muna silang magsama, “Actually hindi sa hindi naman makapareha, wala namang ganun pero sabi ko honestly ako na ang nag-decide na hindi muna kami pwede magsama sa stage ‘pag ganitong may mga raket, or out of the country kasi dun nagsimula ang lahat e. Kumbaga dun nagkaroon ng gulo. Sabi ko nga si Matteo kaibigan ko, tinuturing kong kaibigan at nagkaroon ng misunderstanding ng dahil dun. Siyempre sabi ko nga gusto lang namin mapasaya yung mga tao and then siguro, siguro nga lumagpas kami sa boundary kaya sabi ko nga ayaw ko na maulit yun at muling makaapak pa ng tao.”

Nang itanong ng Push.com.ph kung willing siya magsimula ulit silang tatlo bilang magkaibigan, sagot ni Coco, “Oo naman! Sabi ko nga one of these days kapag nagkita-kita ulit kami o nagkasama kami sa mga proyekto. Pagtatawanan na lang namin yun. Siguro part na rin ito ng pagiging mature bilang artista at bilang isang tao.”

Catch Coco Martin, Maja Salvador, and Angeline Quinto on November 26 in Calgary, Canada and November 27 in Edmonton, Canada.