• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador reacts to Coco Martin choosing not to work w/ her out of respect for Matteo Guidicelli

Maja Salvador reacts to Coco Martin choosing not to work w/ her out of respect for Matteo Guidicelli

Maja Salvador speaks up about Coco Martin's decision to not work with her for the meantime.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/25/2011 10:25 AM
Maja Salvador reacts to Coco Martin choosing not to work w/ her out of respect for Matteo Guidicelli


112511-maja_main.jpgNaghayag ng saloobin si Coco Martin kamakailan lang tungkol sa posibilidad na makatrabaho muli si Maja Salvador at pinili niya ngang huwag munang makipagtrabaho sa kanya, “out of respect for Matteo (Guidicelli).”

Nang makapanayam ng Push.com.ph si Maja bago ito umalis papunta sa kanyang Canada Concert Tour kasama sina Angeline Quinto at Coco Martin, heto ang kanyang reaksiyon sa mga binitiwang salita ni Coco, “Kung yun yung desisyon niya respetuhin na lang natin, kung hindi pa siya ready makipagtrabaho sa akin dahil yun yung reason nya irespeto na lang natin. In time din naman darating na maaayos lahat, makakalimutan din lahat ang nangyari.

Nang tanungin kung nalilimitahan na nga ba si Maja sa trabaho niya dahil may karelasyon na siya, sagot ni Maja, “No, hindi po. From the start naman talaga nung sa soap namin na Minsan Lang Kita Iibigin alam naman ni Coco na meron na akong relationship with Matteo and he knows na wala akong limitation basta pagdating sa trabaho so alam niya yun.”

Nasabi din ni Matteo kamakailan lang na napakagaan na nang pakiramdam niya dahil wala na siyang tinatago at very out na nga ang relasyon niya with Maja, heto ang naging reaksiyon ng dalaga, “Okay lang naman na lahat. Let’s move on and be happy na kalimutan na ang lahat nung nangyari last September, November na Christmas na oh, peace na, love, love.”

Pero may pag-uusap na bang nangyari sa inyo ni Coco? “Wala pa, wala pa.

At ang makahulugang sagot ni Maja nang tanungin kung if ever ba, ngayon pa lang sila makakapag-uusap at willing ba siyang makipag-usap, “Lets see!”

Mga kapamilya sa Canada, catch Coco Martin, Maja Salvador and Angeline Quinto’s “GO Canada” Concert Tour on November 25-Saskatoon, November 26-Calgary, November 27 -Edmonton.