• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz chooses not to comment on Ruffa Gutierrez' statements

John Lloyd Cruz chooses not to comment on Ruffa Gutierrez' statements

The actor says he'd rather focus on what is good and not dwell on the negative issues.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/25/2011 3:51 PM
John Lloyd Cruz chooses not to comment on Ruffa Gutierrez' statements


112511-jlc_main.jpgPinatunayan ni John Lloyd Cruz ang pagiging gentleman ng piliin niyang manahimik sa mga inrtigang ibinabato sa kanya.

Sa panayam nitong Miyerkules, umiwas na si John Lloyd na pag-usapan ang isyung may kinalaman sa di umano ay break-up niya kay Shaina Magdayao at ang paratang naman ni Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang unhealthy lifestyle.

Matatandaang sa isang TV interview ay inilahad ni Gutierrez ang dating relasyon niya kay Lloydie at ang mga rason ng kanilang mga problema at kabilang na dito ang labis di umanong pag-inom ng alcohol ng aktor.

Imbes na sagutin ang isyu, mas pinili na lang ni John Lloyd na tignan ang mga positibong bagay na nangyayari sa kanya ngayon at huwag ng magsalita pa ng laban sa kung anuman o sa kung sinuman.

"Ako, ayaw ko nang i-dissect kung ano man ang pinanggagalingan ng tanong o ng intention para pag-usapan pa. You know, sa totoo lang, I just want to focus on what is good, what is kind and what is positive para constantly you can say that you are always better than ever."

Ani John Lloyd, isang pagpapatunay din ang kanyang pananahimik na maganda ang ginawang pagpapalaki sa kanya ng kanyang pamilya.

"Siguro ganoon ako pinalaki. Hindi naman ibig sabihin kapag binato ka ng bato or kapag ginawan ka ng masama or inagrabyado ka, kailangan gumanti ka. At all times naman, you tried to be what is good, hindi ba? 'Yung hindi makakaapak at makakasira sa iba." pagpapaliwanag ng aktor.

"Mahirap man at times na isagawa, it's better said than done, pero you always try to make the good come out of you in any given situation," dagdag pa nito.

Pinili din ni John Lloyd na huwag ng magbigay ng anumang mensahe kay Ruffa.

Wala po akong gustong sabihin kahit kanino.Sinabi ko na lahat ng kailangan ko sabihin kanina,” ani Lloydie.

Kung totoo bang nagkausap na sila ni Shaina na nanggaling sa Estados Unidos matapos di umano nilang maghiwalay, naging pakli lang ang tugon ni John Lloyd: "I will let you know."

Nang matanong naman kung healthy ba ang kanyang lifestyle sa ngayon, mabilis ang naging sagot ng aktor: "Never naman akong hindi naging healthy living."

Aniya, sa kanyang libreng oras ay ini-enjoy niya ang pagma-mountain climbing.

Sa kasalukuyan ay abala si John Lloyd sa pagtatapos ng kanyang pelikula kasama si Angel Locsin.

Nakatakda din siyang gumawa ng isang serye kasama naman si Bea Alonzo.