• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales is not yet ready to give up his local career for Hollywood

Jericho Rosales is not yet ready to give up his local career for Hollywood

Although he is not yet ready to leave his career in the Philippines, Jericho Rosales says he will think about seriously pursuing a Hollywood career.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/25/2011 10:14 AM
Jericho Rosales is not yet ready to give up his local career for Hollywood


112511-echo_main.jpgPara kay Jericho Rosales, importante raw sa kanya ang laging may natututunang bago kung kaya’t nag-aral siya noong Hulyo sa United States sa New York Film Academy. “Acting is something na hindi dapat pinapabayaan, you always have to keep on doing it para at least you find new ways on how to be comfortable with different roles,” paliwanag niya sa press conference ng Vantage Double Bladed Razors, ang kanyang latest endorsement na ginanap sa Area O5 Bar sa Tomas Morato, QC noong Huwebes, November 24.

Nakapag-star na si Echo sa isang Hollywood film ang Subject: I Love You this year at pagkatapos nga ng pelikulang iyon ay nag-aral siya sa Hollywood para hasain ang sarili. Aniya, isa sa mga pangarap niya ang pasukin ang Hollywood pero sa ngayon ay hindi pa muna dahil kung gagawin niya iyon ay maaaring makompromiso ang karera niya sa Pilipinas.  “Kung gusto mong maging miyembro ng organisasyon ng mga aktor sa Estados Unidos, pwede kang magbayad pero hindi ka pwedeng tumanggap ng trabahong lokal. ‘Di maganda ‘yon parang sayang [ang career na iiwan], kailangan balanced. Sayang naman kung ‘di na ako gagawa dito.”

Gayunpaman, nilinaw niya na sa mga susunod na taon ay iko-consider niyang subukan ang international acting career. “Next year, two years from now, three years from now, why not? Siguro pag-isipan kong maigi ‘yan in five years kung gusto kong umalis or pumunta ron. I don’t see myself doing that today.”
 
In the meantime, habang patuloy ang career niya sa Pilipinas ay naghahanap din sina Echo ng magiging US agent niya na tumulong upang makakuha ng magagandang proyekto roon. “Hindi madali ‘yung mag-establish ng career abroad, eh kailangan nandun ka, so kukuha ka ng agent [to represent you].” ‘Yung agent na maiintindihan kung ano ‘yung gusto mo sa buhay, [kung ano ang gusto] mong mangyari [sa career mo]. So at least mapipili ‘yung tamang projects.”

Excited naman si Echo na simulan na ang kanyang teleserye, ang Padre de Pamilya, na kinabibilangan nina Piolo Pascual at Christopher de Leon. “Sabi ng ABS-CBN, isa ito sa mga pinakamalaking teleserye nila ulit. They wanted something like Pangako Sa ‘Yo na ganung magnitude ng soap opera. That’s why they got Christopher, Piolo and yours truly [kaya] medyo kinakabahan ng konti.”

Hopefully din daw ay makapag-direk din siya ng isang programa na naka-include din sa kanyang kontrata. Nararamdaman na raw rin kasi ng aktor na ito ang kanyang susunod na tatahakin. “Gusto kong maging director, nagpa-practice na akong mag-direk. It’s really in my heart to direct full-length films. I [hope I] can do one Maalaala Mo Kaya, hopefully I can find one story.”