Ai Ai Delas Alas says she dreams of making it in Hollywood

The actress says being an international star is a gift to the country.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/25/2011 3:50 PM
Ai Ai Delas Alas says she dreams of making it in Hollywood


112511-aiai_main.jpgInamin ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas na ultimate dream niya ang mapasok din ang mundo ng  Hollywood.

Sa panayam matapos ang pagkapanalo niya bilang Best Comedy Actress sa katatapos lang na 25th PMPC Star Awards for TV, sinabi ni Ai Ai na kahit isang proyekto man lang sa Hollywood ay magiging maligaya na siya.

"Oo, hindi pa ako nakakapunta sa Hollywood. Gusto ko kahit man lang bago ako mamatay ay isa man lang project sa Hollywood."

"May masabi man lang ako sa Hollywood na 'I'm the Philippines' gift to your country,'" dagdag pa ng komedyante.

Hindi na din naman malayo sa kanyang pangarap si Ai Ai lalo pa't magkasunod na pagkilala ang natanggap niya sa Star Awards.

Maliban sa Best Comedy award niya para sa M3 o Malay Mo Ma-Develop, nakuha din ni Ai Ai ang Best Single Performance by an Actress award para naman sa episode ng "Maalaala Mo Kaya" na "Krus."

Ani Ai Ai iniaalay niya ang kanyang tropeo sa kanyang fans at mahal sa buhay.

"Inaalay ko ito sa mga taong hanggang ngayon ay gusto pa rin akong panoorin sa pelikula man o sa TV. Inaalay ko ito kay God at Mama Mary."

Sa kasalukuyan ay nagsho-shooting si Ai Ai ng isang pelikula kasama si Prince of Comedy Vic Sotto.

Ang kanilang pelikulang "Enteng ng Ina Mo" ay official entry ng M-Zet at Star Cinema para sa 2011 Metro Manila Film Festival na ipapalabas naman sa darating na Pasko.

Nakatakda ding bumalik si Ai Ai bilang hurado ng Pilipinas Got Talent Season 4 sa susunod na taon.