Sarah Geronimo is willing to work with Cristine Reyes

Sarah Geronimo says she is open to the idea of working with Cristine Reyes.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/24/2011 11:15 AM
Sarah Geronimo is willing to work with Cristine Reyes


112411-sarah_main.jpgNaging mainit ang suporta ng mga tao sa bagong tamabalan ni Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa una nilang pelikulang Catch Me I’m In Love at ngayon nga sa kanilang pangalawang pelikulang Won’t Last A Day Without You mas nadagdagan ba ang pressure na nararamdaman ng dalaga? “May pressure po talaga lalong-lalo na nung umpisa na nung originally ang playdate niya ay November 23 so halos kasabay naming yung Breaking Dawn at Happy Feet Two at siyempre super box-office po yung two movies yung No Other Woman at Praybeyt Benjamin so siyempre ang expectation ng tao sana mapantayan naman nila kahit papaano man lang. Hindi naman po kami nandito para makipag-compete sa ibang local films, nandito tayo para magbigay ng ligaya sa mga audiences.”

Si Sarah din ang itinanghal na Box-Office Queen two years in a row para sa mga pelikula niyang A Very Special Love and You Changed My Life, at ngayon ngang tumabo sa takilya ang No Other Woman, natanong si Sarah sa posibilidad na ang tanghalin naman ngayong taon ay sina Anne Curtis at Cristine Reyes. “Much deserved naman yun ni Ms. Cristine Reyes at ni Ms. Anne Curtis kung sila ang tanghaling box office queens atsaka ako kumbaga bonus na lang sa akin ni Lord na naging box office queen ako. ‘Di naman talaga natin inisip o inakala na tatanggapin ng tao itong tandem namin ni John Lloyd (Cruz) saka ni Gerald kaya wala naman pong kaso sa akin.

Nang natanong din si Sarah kung masaya ba siya sa tagumpay na natatamasa ni Cristine dahil sa success ng kanyang pelikula ang sagot ng dalaga, “Very much!” Pero inamin ni Sarah na hindi niya pa napapanood ang No Other Woman,Hindi pa, hindi pa pero papanoorin natin yan, I heard na talagang magandang pelikula yan.”

Are you now willing to work with Cristine? “Oo naman huwag niyo lang ako ipag-swimsuit, suicide po sa akin yan on my part huwag naman po sana,” ang natatawang sagot ng dalaga.

At nang tanungin kung handa na ba siyang makasama muli ang dating kasintahang si Rayver with Cristine, ngiti na lamang ang ibinalik nito at ‘di na nakaimik.

Won’t Last A Day Without You is showing on November 30 in theaters nationwide.