Queenie Padilla bids showbiz goodbye

After her trip to Saudi Arabia, Robin Padilla's daughter has decided to quit being actress because of her faith.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/24/2011 11:16 AM
Queenie Padilla bids showbiz goodbye


112511-quennie_main.jpgTinalikuran na ni Queenie Padila ang mundo ng showbiz para sa kanyang relihiyong Islam.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ipinaliwanag ni Queenie na natagpuan niya ang kapayapaan at tamang direksyon sa buhay dahil sa kanyang pananampalatayang Muslim.
 
"Islam is a way of life. When you start to (become a) Muslim, you know (what) your life purpose really is. I am such a sinful person, but Allah invited me to his house. I am so close to him," ani Queeni.

Kamakailan lang ay nagtungo na si Queenie sa Makkah sa Saudi Arabia na aniya ay nagpabago ng buo niyang pagkatao.

"When I was in showbiz, I was very unhappy. I was lost and I always felt I never belong. But now that Allah is in my life, Alhamdullilah, La illa illalah, I am so happy and content in my life,” ani Queenie.

Dahil sa masaya niya ngayong buhay, sinabi ni Queenie na hindi na siya babalik pa sa showbiz.

“Haram kasi sa isang babae ang maging artista kasi lahat ng aura pinapakita mo. Kasi ang babaeng Muslim ay napaka-modest. At ang babae sa Islam ay parang jewel. Actually I already quit (showbiz) like 8 months (ago), since my last appearance on TV,” aniya.

Nagpapasalamat naman si Queenie sa kanyang amang si Robin Padilla  na nagpakilala sa kanya sa relihiyong Islam.

“I just want to thank my father for giving me the opportunity to perform Hajj. And I love him so much because without my father, I might not have been a Muslim."

Sa ngayon maging ang mga kaibigan at kamag-anakan ni Queenie sa Saudi Arabia ay natutuwa sa kanyang pagbabago.
 
Sa kanyang pagbabalik bansa, sinabi ni Queenie na dadalhin niya ang kanyang mga natutunan sa Makkah at ibabahagi sa kapwa Filipino.