Hunk actor, wala sa sarili?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

11/25/2011 12:00 AM
Hunk actor, wala sa sarili?


112511-blinditem.jpg

May nagchika sa amin na itong si Hunk Actor eh sobrang saya sa pictorial ng kanyang new soap. In fact, sa sobrang saya eh parang tila wala daw ito sa sarili. Nung una daw ay sabi sa mga nag-aabang na mainterview si Hunk Actor eh nag-iinternalize siya. Kahit medyo weird ang kasagutan ni Hunk Actor ay umoo na lang ang mga kausap niya. Nang finally ay sumalang na si Hunk Actor ay napa-kamot naman ng ulo ang mga interviewer dahil wala silang matinong sagot na nakuha mula dito.  Usually naman daw eh ok sumagot si Hunk Actor at pa-english-english pa ito pero parang ‘di raw ito mapakali noong gabing ‘yun. At ito pa, nagtago siya sa likod ng isang silya with matching pasilip-silip pa, na para daw bang nakikipagtaguan sa kanila. Ay naku! Sana naman ay dinalaw lamang ito ng topak at sayang naman kung masisira ang record ni Hunk Actor na matagal na sa kanyang mother network at professional sa pakikitungo sa lahat.