Vice Ganda asks for prayers for his ill grandmother

The comedian is going through a tough time following the hospitalization of his dear grandmother.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/23/2011 11:02 AM
Vice Ganda asks for prayers for his ill grandmother


112311-vice-main.jpgKung kadalasan ay laging nagbibiro at palaging nakakatawa ang mga tweets ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account, naging seryoso ito recently dahil humihingi ng suporta sa kanyang mga fans upang ipagdasal ang kanyang lola na ngayon ay nasa Intensive Care Unit ng isang ospital.

“Prayer warriors my family needs your support. My Mamang is in ICU,” ang unang tweet ng host-actor at sinundan pa ng halos kaparehong tweet. “Prayer warriors my family needs your support. My Mamang is in ICU. Please pray for her. Please!”

Inulan naman ng suporta ang pakiusap ni Vice dahil sunud-sunod ang response ng kanyang mga tagasuporta sa Twitter world na nagsabing isasama nila sa kanilang dasal ang mabilis na paggaling ng kanyang pinakamamahal na lola.

Sa Wednesday episode ng Showtime, November 23, absent din ang komedyante, marahil ay dahil sa kalagayan ng kanyang lola. Pagdating ng hapon ay isang tweet uli ng ipinost ni Vice na makahulugan, “I keep the faith.”

Bago ang mga tweet tungkol sa kalagayan ng kanyang lola ay masaya pa ang mga posts ni Vice. Sa katunayan nga ay pinaghahandaan na nga niya nag pagpunta sa London, United Kingdom over the weekend dahil san aka-schedule niyang show doon mula November 25 hanggang November 28 sa ibat-ibang lugar doon.

Isang dagok din ang balitang ito dahil recently ay magagandang balita pa ang natatanggap ni Vice. Just last week ay nagkaroon pa ng isang victory party para sa success ng kanyang pelikulang Praybeyt Benjamin.