• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson's mom on Sarah Geronimo: 'Sa nakita ko naman okay siya na bata'

Gerald Anderson's mom on Sarah Geronimo: 'Sa nakita ko naman okay siya na bata'

Evangeline Anderson talks about her son Gerald's closeness to Sarah Geronimo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/23/2011 10:52 AM
Gerald Anderson's mom on Sarah Geronimo: 'Sa nakita ko naman okay siya na bata'


112311-vangie-main.jpgKamakailan lang sa presscon ng pelikulang Won’t Last A Day Without You na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo, inamin ni Gerald na si Sarah ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon. At nang magkaroon ng pagkakataon ang Push.com.ph na ekslusibong makapanayam ang isa pang babaeng pinakamalapit sa kanya, ang kanyang nanay na si Mommy Evangeline, heto ang naging reaksiyon ng ina, “Hindi ko pa kasi napapansin pero natural lang kasi sa pelikula siyempre nagkakasama.”

Nang matanong naman ang ina kung napapansin niya bang inspirado ang anak these days, “Hindi ko masasabing in love… in love naku, bahala siya, nasa kanya yun. He is big enough to decide. Kung ano talaga ang gusto niya sa buhay niya ‘di makikialam ang Nanay niya. ‘Di naman ako ang makakasama nila, sila naman ang magsasamang dalawa. Ayoko lang may masasaktan, ayoko nun.

Hindi naman naitatago ng ina na very close pa rin siya kay Kim Chiu at nang hingan siya ng kanyang opinion kung ang mas lalong lumalalim na closeness nina Gerald at Sarah ay baka mauwi nga sa pag-iibigan tulad din ng nangyari sa dating ka-love team, heto lang ang suportang mensaheng gusto niyang iparating. ”Bata pa si Gerald, gusto ko rin naman yun bilang Mama ni Gerald na go ahead son, para alam mo talaga kung sino talaga ang ano, maging kasama mo sa buhay mo kaya just go on kasi bata pa naman siya.”

Approve po ba kayo kay Sarah? “Sa akin wala akong problema sinasabi ko na nga sa inyo, si Gerald o kung sinuman ang kasama niya ang magsasama so sila lang talaga. Ako bilang Mama niya lang aadvisan ko lang siya.” Pero ang nakakaintrigang dagdag ng ina, “Wala akong magagawa kahit na sabihin ko sa inyong ayaw ko, e si Gerald gusto, Mama niya walang power doon.”

At nung tanungin na kung magiging close siya kay Sarah tulad kay Kim, ang sagot niya ay, “Okay lang din naman yun tatanggapin ko naman lahat e. Kung sila talagang dalawa walang magagawa ang Mommy ni Gerald, sasangayon ako sa kanila rerespetuhin ko desisyon ni Ge.”

Natanong din kung nagkaroon na ba ng pagkakataong magkakilala sila ni Mommy Divine, ang ina naman ni Sarah, “Yes! Pero hindi pa kami masyadong nagkakausap talaga. Konting tanong lang pero yung husband (ni Mommy Divine) at ang kapatid ni Sarah ang nag-reach-out sa akin. They are okay, wala akong masabi.”

Do you wanna be close with Mommy Divine? “Maybe someday.”

At nang natanong si Mommy Evangeline kung saka-sakaling manligaw ang anak kay Sarah at mahirapan ang anak, heto na lang ang naisagot niya, “Well, yun na!

Won’t Last A Day Without You will open in theaters on November 30.