ABS-CBN's official statement on Sharon Cuneta

The Kapamilya network wishes the Megastar well.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/23/2011 4:06 PM
ABS-CBN's official statement on Sharon Cuneta


112311-sharon-main.jpgMatapos ang kontrobersiyal na paglipat at pagpirma ng kontrata sa kabilang istasyon ni Megastar Sharon Cuneta, naglabas ngayon ng official statement ang pamunuan ng ABS-CBN.

Ayon kay ABS-CBN Head of Corporate Communications Bong Osorio, may sariling dahilan ang aktres sa paglipat niya sa TV-5 at nire-respeto ito ng Kapamilya network.

"Sharon Cuneta has her reasons for moving to another channel and we would like to respect that. Sharon has been a revered kapamilya for many years, and we genuinely wish her well in her new journey. We will truly miss her," ani Osorio.

Nitong nakaraang Martes nangyari ang paglagda ni Sharon bilang bagong miembro na ng kalabang istasyon.

Ayon sa source ng Push.com.ph  ang halos limang taong kontrata ni Sharon ay may halagang P1 bilyon bilang talent fee.

Sa microblogging site naman na Twitter, halos ikabigla naman ng ilang personalidad na nasa rival network din ang nasabing malakihang kontrata.

"Sharon Cuneta, TV5 & Kapatid are trending because of Mega's Billion Peso transfer. The only one that's ever happened in showbiz history!" ani Ruffa Gutierrez na dati ding ABS-CBN contract star.

"Welcome to @TV5manila Ms Sharon Cuneta!! Hello Kapatid :)," ani Jasmine Curtis-Smith, kapatid ng "Showtime" host na si Anne Curtis.

"RT @TV5manila: Welcome to the Kapatid Network, the one and only Megastar Sharon Cuneta!!!!," ani Mariel Rodriguez na dating host naman ng "Happy Yipee Yehey."

Nitong Miyerkules ng umaga, matapos ang paglagda sa kasunduan, naging mainit na usapin  si Sharon at napasama pa sa top local trending topics ng Twitter.

"Megastar Sharon Cuneta apparently signed with TV5 for one billion pesos. What the?!?! #jelly," ayon sa TV-host na si Raymond Gutierrez.

"I'm deluged w/ Megastar quries. Bottomline, kahit saan, 2 7 now 5 o IBC PTV UNLITV, SHARON CUNETA na po siya. Her body of work speaks loudly," ayon naman  sa komedyanteng si Chokoleit.