Maricel Soriano finally faces the press

The actress indirectly answers questions about the case filed by her former housemaids against her.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

11/20/2011 9:23 PM
Maricel Soriano finally faces the press


112111-maricel-main.jpgMatapos ang ilang buwang pananahimik dahil sa kasong pananakit na isinampa ng kanyang mga kasambahay ay humarap sa ilang press ang Diamond Star na si Maricel Soriano para magpainterview. Sa pictorial ng kanyang Metro Manila Film Festival entry na Yesterday, Today and Tomorrow under Regal Films, umamin ang aktres na nawala siya sa lime light dahil sa dami ng mga unos na dumating sa kanyang buhay kamakailan. “Medyo may konting unos sa buhay natin, ayun nagpaalam ang mommy ko, ‘di ko kinaya. ‘Yun nanaman isang trahedya sa buhay ni Maria. Pero sa bawat unos na dinadaanan natin pagsubok sa buhay meron din naman kapalit,” sabi ni Maricel.

Hindi naman diretsahang sinagot ang mga tanong ukol sa kanyang kaso ay aminado ang multi-awarded actress na nagkaroon siya ng mga pagkakamali sa kanyang buhay. “Marami tayong pinagdadaanang mali, kaya natin masasabing mali dahil napagdaanan na natin ‘di ba? Marami naman tayoong maituturo sa mga kaibigan natin, anak natin, sa mga kapatid natin para maitama ang mga mali.” Para kay Maria ang mahalaga daw ay natuto tayo sa ating pagkakamali. “Marami tayong dinadaanan sa buhay natin na mahirap, na kakayanin natin o kinakaya natin, at kelangan natin harapin at kelangan na magpakatotoo. Yun ang importante sa lahat magpakatotoo tayo.