Kim Atienza admits to courting Vina Morales in the past

The Showtime host admits on live TV that the singer turned him down fifteen years ago.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/20/2011 9:58 PM
Kim Atienza admits to courting Vina Morales in the past


112111-kim-main.jpgSa pambibihirang pagkakataon ay game na ibinahagi ng Matanglawin host na si "Kuya" Kim Atienza ang dating karanasan sa nabigong pag-ibig.

Nitong Lunes, napaamin ang sikat na weatherman na niligawan niya noon ang actress-singer na si Vina Morales pero hindi siya pumasa dito.

"Oo sige ipagtatapat ko na. Niligawan ko po noon si Vina Morales. Ako po ay basted, basted," ani Atienza.  

"Fifteen years ago na 'yon, matagal na 'yon. Alam niyo noong binata kasi ako, talagang nagkaroon ako ng paghanga kay Vina. Hanggang ngayon naman ay hinahangaan ko pa din si Vina. Matagal ko nang kaibigan si Vina," dagdag pa ni Atienza.

Inihayag ito ni Atienza sa harap mismo ni Vina na isa sa guest judges ng Showtime.

Ayon kay Vina hindi man niya sinagot si Atienza ay naging mabuti silang magkaibigan.

"Actually group of friends namin ay pareho so we always hang out together until parang, ano ba yan? Kasi 'di ba kapag kaibigan mo na, kapag nagpaparamdam na, parang, teka muna," pahayag ni Vina sa pangyayari noon sa kanila ni Atienza.

"Napakabait niyan, I love him as a friend," dagdag ng singer-actress na ngayon ay masaya bilang single parent.

Samantala, inihayag din ni Atienza ang kagalakan nitong makasama si Vina sa Showtime.

"Pero Vina, I'm happy that you are here. Talagang it's a pleasure and an honor," ani Atienza na masaya ngayon sa kanyang buhay may asawa.