Janelle Manahan writes to The Buzz

The actress says she wants to get better to share to the whole world what really happened to her and boyfriend Ramgen Revilla.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

11/20/2011 9:24 PM
Janelle Manahan writes to The Buzz


112111-janelle-main.jpgSa pamamagitan ng isang sulat ibinahagi ng actress na si Janelle Manahan ang kanyang pisikal at emosyunal na kalagayan matapos maoperahan sa kanyang mukha. Matatandaang nagkaroon ng matinding sugat si Janelle nang siya ay masama sa pagpaslang ng kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla. Mas mabuti na raw ang kanyang pakiramdam kahit nanghihina pa ang kanyang katawan. Kailangan pa rin ng pagalalay sa kanya sa simpleng pagtayo at pag upo.

Sa aspetong emosyonal pinipilit ni Janelle na maging matatag. “Emotionally naman po so far I'm trying to be strong on my own. They say I might need a psychiatrist if gusto ko,” pagbabahagi niya. Wala pa din daw masyadong makausap si Janelle tungkol sa mga pangyayari dahil limitado ang mga taong pwedeng makausap niya dahil na rin sa kanyang safety. “Wala pa po nakakabisita pero madaming nagpapaabot ng suporta. SCQ Batch 1 and 2 at ang mga nakasama ko sa Let's Go. Although lahat naman po sila nagpapaabot ng interes na pumunta, strict lang din po kasi yung security. Yung iba din po na mga nakatrabaho ko sa ABS-CBN both artista, writers and directors.”

Nag-open up din si Janelle sa kanyang letter tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Ram. “Lahat po talaga nami-miss ko yung pagiging sweet niya, makulit at yung mga bonding namin. Malaking bahagi siya ng buhay ko kaya I will truly miss him. He is not only my boyfriend but my best friend and sometimes even like a big brother to me.

"Nasaktan ako ng malaman ko at patuloy na nasasaktan every time na napapanood ko sa news. Alam ko kung gaano kamahal ni Ramgen ang pamilya niya. How clean his intentions are at kung gaano siya kabuti bilang tao.”

Janelle gave a message sa mga naiwan ni Ramgen. “Mahal na mahal kayo ni Ramgen, sana wag kayong titigil hangga't hindi nahahanap ang hustisya na nararapat sa kanya.

She is thankful for all the support and prayers sa kanyang paggaling and pangako niya na magsasalita siya tungkol sa mga nanyari sa kanila ni Ram sa oras na kaya niya nang magsalita. Ibabahagi niya ang anumang kwento na nais malaman ng publiko.

Nag-iwan din ng madamdaming mensanhe si Janelle para sa pumanaw na kasintahan: “I will always love you. Thank you sa lahat lahat. I will never forget you and I will not stop, never ako titigil till I find you justice.” Malabo mang manyari pero wish pa din ni Janelle na makapiling si Ram kahit sa huling pagkakataon. “I just wanna hug, kiss, touch and hear his voice for the last time.”