• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Siya yung pinakamalapit na babae sa akin ngayon'

Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Siya yung pinakamalapit na babae sa akin ngayon'

Gerald Anderson says Sarah Geronimo is beautiful inside and out; admits that she's girlfriend material.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

11/20/2011 9:56 PM
Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Siya yung pinakamalapit na babae sa akin ngayon'


112111-gerald-main.jpgVery vocal si Gerald Anderson sa pagsasabi na sa lahat ng mga katrabaho niya ngayon, si Sarah Geronimo ang mas nakakaalam ng kanyang saloobin tungkol sa mga pinagdaanan niya sa buhay pati na rin ang mga bagay na gusto niyang maabot para sa sarili sa mga susunod na taon. "Honestly, mas close na kami ngayon. Nag-uusap kami sa taping, nagbo-bondong kami, pinagusapan namin yung mga napagdaanan namin at kung anong gusto namin in the future... Sobrang close kami ngayon kaysa sa dating movie namin. I'm thankful for that. Kaya nga sabi namin, whatever maging  outcome ng movie namin, napakaswerte ko na nakasama ko siya ulit," ani Gerald sa ginanap na press con ng Won't Last A Day Without You last Saturday, November 20.

Aminado si Gerald na medyo bitin pa nga ang naging closeness nila off cam dahil halos patapos na ang pelikula noong magkaroon sila ng chance na mas makilala ang isa't isa. Hindi tuloy maiwasang tuksuhin sila ng ibang reporters dahil pareho silang nasaktan sa pag-ibig noon at kasalukuyang loveless at walang dine-date na iba. "Siya yung pinakamalapit na babae sa akin ngayon. Kasi lagi kami magkasama so siya ang may alam ng nangyayari sa akin. Ngayon, mas nakilala ko na siya, mas nakausap ko na siya ng matagal at mas malalalim. Halos pareho yung napagdaanan namin. Talagang mami-miss ko siya. At sana magkaroon ako ng chance na mas makilala ko pa siya after the movie."  

Diretsahang sinabi rin ni Gerald na malaki ang paghanga niya para kay Sarah. "Posible bang ma-in-love ako kay Sarah? Bakit naman po hindi. Napakalambing ni Sarah. Ganon siya sa lahat, kahit kay Direk Raz dela Torre. Kapag natutuawa siya, malambing talaga siya. At napakaganda po ni Sarah. Ayaw po niya maniwala kapag sinasabing maganda siya. Siya yung tipo ng babae na pwede mo dalhin kahit saan sa mundo, pwede mong ipagmayabang sa buong mundo na ito ang beauty ng Pinay."

Pero gustuhin man niyang ligawan si Sarah ay alam niyang hindi pa ito handang pumasok sa isang relasyon ngayon. "Siyempre nandun ako sa stage ngayon na nakaka-miss magkaroon ng girlfriend. Nakaka-miss din yung mga text-text, yakap-yakap... Kaya minsan, kapag gumagawa kami ni Sarah ng eksena, for that that moment, pakiramdam ko may girlfriend ako. Pero huwag po natin madiliin. Siguro dahan dahan lang. Kapag mangyayari, mangyayari. Sarah is a very beautiful girl inside and out, kaya sobra akong swerte na naka-partner ko siya."   

Won't Last A Day Without You is showing in theaters on November 30.