• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto on the status of her relationship with Coco Martin: 'Nanliligaw pa lang po ako'

Angeline Quinto on the status of her relationship with Coco Martin: 'Nanliligaw pa lang po ako'

The singer candidly admits she is still getting to know the actor.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

11/20/2011 9:28 PM
Angeline Quinto on the status of her relationship with Coco Martin: 'Nanliligaw pa lang po ako'


112111-angeline-main.jpgTwenty-second birthday na ng Star Power champ na si Angeline Quinto at sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga natanggap na blessings nitong taon na ito. “Sana po matupad ko pa po lahat yung pangarap ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko,” sabi pa ni Angeline tungkol sa kanyang wish para sa kanyang kaarawan.

Tinanong ng The Buzz host na si Boy Abunda si Angeline tungkol sa kanyang mga magulang lalo pa sa kanyang tunay na ina, na ipinakita sa life story ng singer sa isang Maalaala Mo Kaya episode, kung saan ay ibinenta siya noong siya ay baby pa sa halagang P10,000. “Nagtampo naman po ako sa tunay kong nanay bakit niya nagawa yun  pero kahit baliktarin pa po natin ang mundo siya pa din po ang naglabas sa akin, kung ‘di rin sa tunay kong nanay, wala pa din ako dito ngayon,” paliwanag ni Angeline sa kanyang nararamdaman sa biological mother niya. Naiyak na nga siya dahil hinahanap niya hanggang ngayon ang kanyan ina. “Kung sakali po nanonood ang nanay ko, maraming, maraming salamat po. Kung ‘di naman dahil sa inyo, wala din ako dito ngayon. Pero ‘wag po kayo mag-alala kung ano man po ang nangyari dati, nu’ng wala pa po ako sa mundo, matagal ko na po kayong napatawad at ginagawa ko rin po ito para sa inyo,” dagdag na mensahe ng singer.

Para naman sa kanyang ama, na naging negative sa pagsali niya noon sa mga singing contest sinabi ni Angeline na wala siyang ano mang sama ng loob dito. “Para sa akin ‘di naman na po kailangan humingi ng sorry. Siyempre dahil tatay ko naman yun. Sobrang mahal na mahal ko po ang tatay ko kahit po ganoon mga nangyari sa akin.” Sinabi pa ni Angeline na wala na siyang tampo sa kanyang daddy kahit noon pang time ng Star Power. “Basta po noong nanalo po ako sa Star Power naramdaman ko po yung yakap niya sa kin, kakaiba po.

Malaki ang pasasalamat ni Angeline sa kanyang adoptive parents lalo na sa kanyang nanay na walang sawang nagtulak sa kanya para abutin ang kanyang  mga pangarap. Ang nanay daw niya ang nagpalakas ng kanyang loob na magpatuloy sa pagkanta.

Samantala, sa usapang pag-ibig naman ay walang prenong sinagot ni Angeline ang mga tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ng leading man na si Coco Martin. “Nangliligaw pa lang...po ako!” pabirong sagot niya sa tanong ni Boy. Dineny naman ni Angeline na mayroong romantic na namamagitan sa kanila ng singer na si Kean Cipriano. Natukso lamang daw sila sa isang guesting sa KrisTV ni Miss Kris Aquino pero first time niya na nameet ang lead vocals ng Calla Lily noong araw na iyon. Nang papiliin naman siya ni Boy kay Kean at Coco mabilis ang sagot ni Angeline, “Doon pa rin po sa nililigawan ko.”