• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin avoids working with Maja Salvador out of respect for Matteo Guidicelli

Coco Martin avoids working with Maja Salvador out of respect for Matteo Guidicelli

Coco Martin says he's willing to give up his successful team-up with Maja Salvador rather than make things complicated between them again.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

11/19/2011 11:14 PM
Coco Martin avoids working with Maja Salvador out of respect for Matteo Guidicelli


112011-coco-main.jpgMahigit dalawang buwan na rin ang lumipas mula ng magkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Coco Martin, Matteo Guidicelli, at Maja Salvador. Pero marami ang nagtataka kung bakit sa mga concert tours abroad ay hindi na muling nakitang magkasama onstage sina Coco at Maja lalo na’t inaabangan pa man din ang tandem ng dalawa.

Sa ginanap na birthday press con ni Coco noong Tuesday, November 15, inamin niya na siya mismo ang humiling sa pamunuan ng Star Magic na huwag muna silang pagsamahin ni Maja sa mga production numbers. Matatandaan na inamin ni Matteo na una siyang nagselos kay Coco dahil sa pagiging sweet nito at ni Maja sa mga mall shows nila noon para sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.

Minsan nakukwestiyon ako pagdating sa America kung bakit walang duet [kami ni Maja]. Sabi ko, honestly, sa akin, ayoko, kasi alam ko yung pinanggagalingan na selos ni Matteo. Ayoko na maulit yun. At bilang lalaki at bilang tao, sabi ko, ngayong alam ko na, bakit ko pa uulitin yun. Ayoko na makaapak ng ibang tao. Napaka-insensitive ko naman na tao kung alam ko na nga na yun ang pinanggagalingan tapos uulitin ko pa,” maayos na paliwanag ng multi-awarded actor.

Kahit papaano ay nanghihinayang si Coco dahil aminado rin naman siya na naging successful talaga ang love team nila ni Maja noon. Hanggang ngayon ay maraming fans ang gustong magkatambal muli sila. Pero gusto lang daw niyang itama yung nangyaring suntukan sa pagitan nila ni Matteo sa Star Magic ball noong September. Hindi naman daw kasi kailangang humantong sa ganoong sitwasyon dahil magkaibigan rin naman sila ni Matteo.

“Willing ako mag-adjust, huwag lang manyari ulit yung insidente na yun. Si Maja naman may sarili siyang career na maganda. Ako naman, kahit papaano okay naman ako. Kumbaga respeto na lang. Ganon ako eh. Ayoko gawin sa akin yun ng kapwa ko. Ibibigay ko yung respeto sa kanya. Kasi nung nangyari yun naisip ko bakit kailangang umabot sa ganon? Kaya ngayon mas gusto ko dumistansya huwag lang makaapak ng ibang tao.

Itinanggi rin ni Coco na muntik ng magkaroon sila ng relasyon ni Maja. Kung talagang may feelings daw siya para kay Maja, noong una pa lang silang magkakilala ay niligawan na niya ito. “Hindi naman, wala, wala. Kasi kami ni Maj, pang-ilang soap na [namin yung Minsan Lang Kita Iibigin]. Kung ako nagkaroon ako ng [gusto sa kanya] or sa mga tanong kung bakit ko pinalagpas, sana nung first time kami nagtrabaho. Kasi that time wala pa siyang boyfriend nung una naming pagkakakilala. Ngayon pa na magkaibigan na kami at may boyfriend na siya.”

Sa totoo lang ay wala naman talagang problema sa pagitan ni Maja at Coco dahil ginagawa lang naman nila ang kanilang trabaho noon. “Yun nga, alam kong wala siyang limitasyon. Sa amin ni Maj, klaro e. Kilala ko siya e, napaka-professional ni Maj pagdating sa trabaho. Ako, nagtratrabaho lang ako hanggang sa nangyari yung insidente. So yun ang masakit. Pero siyempre kahit ganon, hindi ko naman mapanghimasukan relasyon nila kung paano nila hinahandle yun.

Palagay ba niya ay nagbago ang persepsyon ng tao sa kanya pagkatapos ng lahat ng nangyari? “Hindi naman, kasi transparent ako. Kapag galit ako, galit ako. Kapag masaya ako, masaya ako. May mga bagay kasi na kapag nilabas mo, lalo na ‘pag lalaki, hindi ako nagiisip e. Hindi pa ako kinakain ng showbiz, na parang, kung ano ang nararamdaman ko, yun ang ipinapakita ko. Siguro dumating yung time na yun, wala, tao lang tayo.”

Ang mahalaga ay natuto raw silang lahat na involved dahil sa nangyaring insidente. “Oo naman. Nagsisi ako kung bakit kailangang humantong sa ganoong bagay. Pwede namang pag-usapan n