• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca is impressed with Shaina Magdayao's professionalism

Jake Cuenca is impressed with Shaina Magdayao's professionalism

Jake Cuenca admires Shaina Magdayao's work ethics even while dealing with a troubled personal life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/17/2011 9:25 AM
Jake Cuenca is impressed with Shaina Magdayao's professionalism


111711-jake_main.jpgMahigit nang isang buwan ang pagti-taping sina Shaina Magdayao at Jake Cuenca para sa kanilang susunod na proyekto, ang Kung Ako’y Iiwan Mo (dating may working title na Doha). Inaasahang sa susunod na taon ay ipapalabas na ang nasabing teleserye tungkol sa buhay ng overseas Filipino workers.

Pinaghirapan namin ito nina Shaina, Bangs (Garcia). Gusto naming ilabas ang katotohanan tungkol sa OFWs. Gusto naming ilabas ‘yung soap namin based sa storya na nakuha namin sa different OFW stories. Gusto naming ikuwento ‘yung hirap ng buhay (nila),” simula ni Jake.

Hindi ito ang unang pagtatambal nina Shaina at Jake na dating nagkatrabaho sa teleseryeng Rubi. Nagkatrabaho din sila sa horror flick na Villa Estrella (2009). Pero ito ang kanilang unang proyekto na ilo-launch sila bilang pinakabida.

Puring-puri naman ng aktor sa kanyang leading lady na sa kabila ng kanyang mga pinadaanan sa personal na buhay recently ay very professional umano ito sa trabaho. “She’s good, she’s very good. No problem working with her whatsoever,” paglalarawan ni Jake kay Shaina. “Actually [ang] galing nga, eh. Despite everything that has been said everywhere she’s very professional. Ako hangang-hanga ako kay Shaina. I look up to her in so many ways. Parang ang lakas niyang tao. Bilang isang babae. Hindi na siya bata, definitely an independent, strong woman, and I’m proud of her, sobra.” Kamakailan ay  nasangkot sa isang kontrobersya si Shaina and her boyfriend John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez.

As the leading man, ikinuwento rin ni Jake kung paano siya naging gentleman to Shaina sa set. “I giver her space, siyempre sensitive issue. As much as possible ginawa ko naman komportable para sa kanya ‘yung set namin.” Required din silang gumawa ng love scenes at bago raw nila ginawa iyon ay tinanong daw muna ni Jake si Shaina kung prepared ba siya since may pinagdadaanan nga raw ito. “Medyo maselan, so may pagkaseksi na eksena but you know she’s so professional, as in hindi naramdaman at all na she’s going trough something. Professional lang talaga bilang artista and I did ask her, ‘Shai (palayaw ni Shaina) sigurado ka bang gusto mong gawin itong eksena kasi baka it might not be the right time.’ But no, sige lang and she did very well.”

sa gagawing teleserye, veer away muna sa kontrabida role si Jake, (which he did sa previous teleseryeng Green Rose). “Kung nasanay kayo na medyo dark ang character, opposite ng Green Rose, medyo challenging ang character ko rito, wala siyang angas wala siyang swagger. He’s real, he’s just a normal person. Totoong-totoong tao. Kailangang isapuso kailangan lumabas ang salita at kilos.”