• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales on Enchong Dee: 'We made it clear from the start that we're just friends'

Erich Gonzales on Enchong Dee: 'We made it clear from the start that we're just friends'

Erich Gonzales is grateful to fans who understand that she doesn't need to have a romantic relationship with Enchong Dee to make their love team work.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

11/17/2011 9:29 AM
Erich Gonzales on Enchong Dee: 'We made it clear from the start that we're just friends'


111711-erich_main.jpgDahil sa tagumpay ng kanilang love team, marami ang nagsasabing bagay sina Enchong Dee at Erich Gonzales na maging magkasintahan sa totoong buhay. Pero mismong si Erich na ang nagsabing hindi na kailangang ligawan siya ni Enchong para mas mapaganda ang chemistry nila sa Maria La Del Barrio. Ang mahalaga ay maayos daw nilang nagagampanan ang kanilang character sa show.

“Personally, ayoko ng gumigimik, gusto ko totoo. Hindi naman kailangan magka-in-love-an ang magka-partner para suportahan ng tao. Basta maganda yung project at script, okay na yun. Yung supporters namin nandiyan pa rin sila kahit na ma-partner kami sa ibang artista kaya sobrang pasasalamat ko sa kanila.

May ilan kasi ang nanghihinayang na kaibigan lang talaga ang turingan nila off cam. “No… For those who are asking why Enchong isn’t making any move in terms of love life, siguro naman we made it clear from the very start na whatever it is between us is only friendship. Yung love, it comes secondary and not even a priority for us.”

Pero sa abot ng kanilang makakaya ay gusto rin naman daw nilang suklian ang suportang ibinibigay ng mga manonood sa love team nila ni Enchong. “I’m speaking for myself, hindi ganon kadali na basta basta bitawan yung love team na nabuo namin. Ayoko maging ingrata kasi sila (supporters) dahilan kung bakit kami nandito. Nagwo-work yung love team namin kasi they’re very supportive of our projects pati individual projects namin. Siyempre we also want to make them happy.”

Hindi naman nagkulang si Enchong sa suporta para kay Erich lalo pa’t magkakaroon ito ng sariling pelikula kasama ang Thai heartthrob na si Mario Maurer. Ayon pa kay Enchong, “I’m one of her biggest fans. I want to see her on top of her game. Nagsimula kami together and gusto ko whatever success na matamasa niya, I’ll be there to support her. Kasi yun ang isang part kung bakit mas maganda na wala kaming hesitations sa isa’t isa. Na kapag inimbitahan ako sa premiere night ng movie nila, pupunta ako. Mas maganda makita ng tao na, ‘Ay, totoo silang magkaibigan kasi nagsusuportahan sila.’”