Nora Aunor plans to have surgery to fix vocal chords

The Superstar says she hopes she will be able to get her 'golden voice' back.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/16/2011 8:41 AM
Nora Aunor plans to have surgery to fix vocal chords


111611-nora_main.jpgMatapos ang kanyang matagumpay na pagbabalik sa local show business, ibinahagi ng nag-iisang superstar Nora Aunor na iiwan niya muli ang  Pilipinas para sumailalim sa isang operasyon sa susunod na taon.

Sa report ng ABS-CBN News, magtutungo si "La Aunor" sa Boston, Massachusetts para sa gagawing vocal chords operation sa kanya.

Matatandaang nasira ang tinaguriang "golden voice" ni Nora nang pumayag siya sa isang cosmetic procedures noong Marso 2011 bilang parte ng kanyang paghahanda sa pagbalik niya sa mundo ng showbiz.

Sa kasawiang palad nadamay at nasira ng palpak ng operasyon ang kanyang vocal chords na naging sanhi ng pagkawala ng maganda niyang tinig.

Hiling ni Nora na manumbalik ulit ang kanyang boses para na din maawitan muli ang kanyang mga tagasunod.
 
Samantala, magkasunod na papuri naman ang tinanggap ni Nora matapos siyang parangalan ng Cinema One Originals Film Fest at Cinemanila.

Si Aunor ay binigyan ng pagkilala para sa kanyang kontribusyon sa Philippine cinema.