NHI lauds Maria Aragon

The National Historical Institue says Maria Aragon did a good job singing the National Anthem in Manny Pacquiao's last match.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/16/2011 8:35 AM
NHI lauds Maria Aragon


111611-maria_main.jpgPinapurihan ng National Historical Institute o NHI si Maria Aragon para sa maayos na pag-awit nito ng "Lupang Hinirang" sa naging laban ni Manny Pacquiao kontra kay Juan Manuel Marquez nitong nakaraang Linggo. Matatandaang personal na pinili ni Manny ang batang singer na umawit ng national anthem sa kanyang laban na ginanap sa MGM Grand sa  Las Vegas. "Maganda 'yung pagkakanta. Tama. Ang posture niya tama. Ang kanang kamay sa dibdib at pati yung suot niya Filipiniana," pahayag ni Teddy Atienza, chief ng NHI’s Heraldry Section sa abs-cbnNEWS.com.

Ani Atienza maliban sa diction ni Maria, wala namang naging problema ang kanyang pag-awit. "Tama naman yung kanyang diction, yun nga lang kasi alam naman natin lahat kung saan siya lumaki, pero walang problema 'yon, maayos ang pagkanta."  Paggiit niya, hindi din naging mabagal ang rendition ni Maria kumpara sa pananaw ng ibang nakapanood ng laban. "Ang ating national anthem 55 to 60 seconds sa kanya umabot ng 3 seconds na lumagpas. Wala namang malaking problema."

Dagdag ni Atienza,  magpapadala sila ng e-mail kay Maria at sa magulang nito para papurihan ang singer sa tamang pagkanta niya ng "Lupang Hinirang."
"Sa murang edad ng ating kababayan  na si Maria Aragon ipinakita niya na kaya ng mga kabataan na sumunod sa regulasyon ng bansa at ang ating paggalang sa ating Lupang Hinihrang ay nagawan niya ng magandang halimbawa."
 
Matatandaang inamin ni Maria na katuparan ng isang panaginip ang umawit para sa laban ni Pacquiao. Nagtungo pa si Maria sa NHI para pag-aralan ang tamang pagkanta ng Pambansang Awit.