• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Soriano goes back to work after reports of 'abusing' maids

Maricel Soriano goes back to work after reports of 'abusing' maids

The actress says her former maids are just extorting money from her.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/15/2011 8:52 AM
Maricel Soriano goes back to work after reports of 'abusing' maids


111511-maricel_main.jpgMatapos itanggi ang isyung pananakit di umano sa mga katulong, balik trabaho na ulit ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Nitong Linggo naging busy si Maricel sa pictorial ng kanyang pelikulang "Yesterday, Today and Tomorrow" na official entry para sa 2011 Metro Manila Film Festival. Makakasama ni "Maria" sa nasabing pelikula sila Lovi Poe, Gabby Concepcion at ganoon din si Anne Curtis.

Sa pictorial, tumangging magsalita si Maricel hinggil sa isyu ng pang-aabuso o pananakit di umano sa kanyang mga dating kasambahay. Nahaharap ngayon si Maricel sa isa sa pinakamalaking dagok sa kanyang buhay matapos pumanaw ang kanyang ina kamakailan."Bawat unos daw na dadaanan natin, pagsubok sa buhay ay mayroon ding kapalit. Yesterday na today na tayo ngayon," ani Maricel sa ABS-CBN News.

Matatandaang nauna ng itinanggi ng aktres ang bintang ng kanyang mga kasambahay na sila May Cachuela at Camille Acojeda na sila ay sinasaktan ng Diamond Star. Matapos magsampa ng physical injuries at grave threats laban sa aktres, sinagot naman ni Maricel ang paratang. “I did not commit any act that would constitute the crimes of grave threats, unjust vexation, slander, oral defamation and physical injuries.” Itinanggi din niyang tinakot niya ang mga kasambahay gamit ang baril. Giit niya, wala siyang baril sa kanyang tahanan. Hindi din aniya ikinandado ang mga nagsakdal dahil wala talaga lock ang kuwartong tinutukoy ng mga ito.  

Ayon sa aktres isang uri ng extortion ang ginawa ni May at Camille sa kanya. “This complaint is clearly a form of harassment and an attempt to extort money from me,” she said. Ibinahagi din niya na nahuli niya si May na naghahalungkat ng kanyang wallet.