Jhong Hilario will be leaving Showtime again

'Showtime' judge Jhong Hilario is planning to leave the show as soon as he starts work on his new teleserye.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/15/2011 8:47 AM
Jhong Hilario will be leaving Showtime again


111511-jhong_main.jpgKamakailan ay pumirma ng two-year contract si Jhong Hilario with ABS-CBN. Natuwa naman ang aktor sa pagbibigay importansya sa kanya ng Kapamilya network. “Actually first time kong pumirma ng kontrata sa ABS-CBN na solo ko and sobrang saya kasi pinagkatiwaan ulit ako ng ABS-CBN na magtrabaho sa kanila na gumawa ng mga teleserye sa kanila,” ani Jhong. “Sobrang saya ko dahil kahit papano napansin nila ang mg trabaho ko before like Mara Clara.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Jhong ang susunod niyang teleserye pero hindi siya nagbigay ng specific details tungkol sa nasabing project. “Meron kaming gagawin pero confidential pa so surprise na lang ‘yan at ibang Jhong ang makikita n’yo dito. Next year [ipapalabas] medyo mahirap ang gagawin namin eh. Basta matutuwa kayo ‘pag nalaman n’yo ang magiging role ko dito.”

Although very effective ang naging role ni Jhong bilang Gary na kontrabida, mas gusto niya na masubukan din ang ibang character at hindi ma-typecast na kontrabida lang. “Character actor naman ako siguro mas maganda kung iba-iba para ma-expereince ko rin ang ibat-ibang roles na pwedeng magampanan.

May guest appearance siya sa upcoming Christmas serye ng ABS-CBN, ang Ikaw Ang Pag-Ibig at patuloy pa rin daw siyang makikita sa Showtime as one of the hurados. “Hangga’t hindi pa kami nagsa-start sa bagong teleserye, sasample-sample muna tayo sa madlang peole. Nage-enjoy naman ako roon eh so okay lang na wala munang teleserye kasi sobrang nage-enjoy ako.”

Malaki naman ang posibilidad na iwanan muli ni Jhong ang Showtime kapag nagsimula na siyang gumawa ulit ng teleserye, gaya ng ginawa niya nung gawin niya ang Mara Clara. “Siguro maiintindihan naman ng madlang people ‘yan kung aalis ako kasi I’m sure na-miss din nila ako sa telelserye kasi ang tagal kong nawala after Mara Clara so maiintindihan ng madlang people ‘yon and anytime naman pwede akong bumalik sa Showtime kung gusto pa rin ako ng madlang people.”

Grateful din si Jhong sa suportang natatamo niya, na tinagurian ding Sampol King sa Showtime dahil sa kanyang impressive dance moves at stunts. “Masaya kasi kahit papano naa-appreciate ng mga tao ang ginagawa ko kahit paulit-ulit ang tumbling na ginagawa ko, hindi pa rin nagsasawa. ‘Yun ang nakakatuwa kahit simpleng bagay na ganon eh nakakapagpasaya ka ng tao. Binabalik naman nila sa akin dahil sinusuportahan nila ang lahat ng ginagawa ko hindi lang ‘yung sa acting.”