• Home
  • Fresh Scoops
  • Venus Raj reveals why this coming Christmas will be a 'cold' yet happy one

Venus Raj reveals why this coming Christmas will be a 'cold' yet happy one

Although she has no boyfriend, Venus says her Christmas will still be full of love because she will celebrate it with her family and her fellow Kapamilyas.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/14/2011 10:13 PM
Venus Raj reveals why this coming Christmas will be a 'cold' yet happy one


Obvious na sobrang nage-enjoy si Venus Raj sa pag-venture niya sa hosting after her rise to fame when she won fourth runner-up in the 2010 Miss Universe Pageant. Kaya sobrang tuwa niya nang maging host din siya kasama si Matteo Guidicelli last November 10 sa isang short program for the launch of the ABS-CBN Christmas Station ID. Kuwento ni Venus after the program, “Actually ngayon din lang namin nalaman pero sobrang saya kasi everything went so smooth and ‘yon in-unveil natin ang ating photo mosaic and ‘yun sana tumatak at mag-iwan ng marka sa mga Pilipino na ma-inspire ang lahat na mag-celebrate ng Pasko na masaya.

Dagdag pa ng dusky beauty queen, first time niyang magpa-Pasko sa ABS-CBN. Very excited nga siya for this special day. “This is the first time na magpa-Pasko ako sa ABS-CBN and alam ko this would be the most special Christmas na mararanasan ko dahil nadagdagan ang mga kapamilya ko this time.”

Hindi naman bakasyon ang gagawin ng dalaga dahil magtatrabaho siya since part siya ng daily morning show, Umagang Kay Ganda. “’Yung pamilya ko sa Bicol sila naman ang pupunta dito sa Manila so magkakasama pa rin kami kahit papano. Masayang-masaya definitely.”

Inusisa din ng Push.com.ph kung magiging mainit ba ang Pasko niya dahil sa boyfriend o magiging malamig pa rin ito. “Palagi pong malamig ang Pasko dahil palagi pong malamig ang simoy ng hangin,” pagbibiro niya. “Andyan naman ang family ko, I’m always in love, siyempre everyday with the Lord, so ‘yun naman ang mahalaga. That’s the very essence of Christmas kaya naman natin isini-celebrate for Jesus Christ.” Nang direkta siyang tanungin kung happy ba ang puso niya, ang sagot ni Venus, “Romantically, wala muna siguro. Tingnan natin sa mga susunod na Pasko kung meron.”  

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback