• Home
  • Fresh Scoops
  • Manny Pacquiao on match with Juan Manuel Marquez: 'Talagang nahirapan ako sa laban na ito'

Manny Pacquiao on match with Juan Manuel Marquez: 'Talagang nahirapan ako sa laban na ito'

The People's Champ reveals that he will talk to Marquez's camp to find out if a fourth match is still possible.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/13/2011 11:06 PM
Manny Pacquiao on match with Juan Manuel Marquez: 'Talagang nahirapan ako sa laban na ito'


111411-manny-main.jpgMuling nagwagi si Manny Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez sa kanilang laban sa Las Vegas, Nevada pero naging kontrobersyal ang naging resulta nito dahil marami rin ang umasang si Marquez ang mananalo. Umabot sa 12th round ang laban at sa huli ay pinaboran ang boxing champ ng Pilipinas para manatiling kampeon.

Ilang oras matapos ang laban ay nakausap ng The Buzz hosts ang Filipino champion via phone-patch at kinumusta matapos ang laban. Ang match na ito ang pangatlong paghaharap ng dalawang boksingero. Ang una ay noong 2004 kung saan tie ang resulta at sumunod naman noong 2008 kung saan nanalo si Pacquiao sa split decision.

Umamin naman si Pacman na nahirapan siya sa kanyang laban sa Mexican boxer. “Talagang nahirapan ako sa laban na ito. Ang expectation natin sa laban na ito is masyadong malaki pero hindi natin naibigay (ang inaasahang expectations ng tao na matalo si Marquez on the sixth round). Marquez is a good fighter, he is a good counter-fighter So dumarating ‘yung mga bagay na ganon na malaki ang expectation mo tapos mauuwi sa (judges) ‘yung decision,” paliwanag ni Pacman.  

Marami rin ang nakapansin sa strategy ni Marquez sa match na ito na laging naghihintay ng pagkakataon para patamaan ng kanyang mga suntok si Manny. “Puro atras lang siya. Ako ‘yung straight at action palagi at hindi siya sumusuntok,” obserbasyon ni Manny. “Hinihintay lang niya akong magkamali at mag-open. Hindi naman tayo pumayag ng ganon. Hindi ko alam kung ano ‘yan pero talagang puro hintay lang siya na pumasok.”

Nang maitanong ni Toni Gonzaga kung ano ang masasabi niya sa prediction ng ilang sports analysts na patutumbahin niya si Marquez sa ika-6 na round, sagot naman ni Manny, “Sinabi ko na hindi rin naman basta-basta ang training na ginawa ni Marquez at magaling din si Marquez at magaling din mag-counter punch kailangan tanggapin natin ‘yan. Hindi naman lahat ng panahon laging one-sided ang panalo (na) laging parang (Antonio) Margarito fight (kung saan matitinding suntok ang ibinigay niya sa kalaban). May pagkakataon talaga na dumarating na close fight pero at least pasalamat tayo na nanalo tayo. Pasalamat tayo sa Panginoon walang nasaktan.

At dahil marami ang hindi kumbinsido, marami ang nag-aabang kung posibleng magkaroon pa ng ikaapat na match sina Manny at Marquez. “Hindi pa natin alam pero I will talk to Marquez’s camp. Pag-usapan (kung) posible ba ang apat na fight.”

Sa tanong naman kung ano ang susunod niyang gagawin matapos ang kanilang laban, ang sagot ni Manny na Congressman sa Sarangani, “Balik dyan at trabaho ulit dahil mag-resume na naman ‘yung Congress so trabaho ulit sa opisina.”