• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Huwag masyadong matakot pumasok sa isang relationship'

Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Huwag masyadong matakot pumasok sa isang relationship'

The actor is not closing his doors to a possible real-life romance with Sarah Geronimo.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/13/2011 10:59 PM
Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'Huwag masyadong matakot pumasok sa isang relationship'


111411-gerald-main.jpgMatapos ng lahat ng kanyang pinagdaanan sa pag-ibig, sinabi ni Gerald Anderson na mas matured na siya pagdating sa usaping puso. “Kasi ‘di ba you learn sa bawat relationship na nangyayari sa ‘yo,” ani Gerald sa interview ng The Buzz. “’Pag galing ka sa isang relasyon nagwo-work naman pero hindi nag-last (‘yung naranasan ko) so you just learn from every relationship kung ano ‘yung maganda at kung ano ‘yung pangit. Syempre dala-dala mo pa rin ‘yon (karanasan).”

Sa upcoming movie nila ni Sarah Geronimo na Won’t Last A Day Without You, ang character ni Sarah ang nagbibigay ng love advice sa character ni Gerald, pero tinanong ang actor kung ano naman ang payo niya kay Sarah pagdating sa usaping puso sa totoong buhay. “Siyempre alam din naman natin ang sitwasyon niya ‘di ba?” simula ni Gerald. “Marami rin siyang pinagdaanan so sa next relationship niya alam niya kung paano i-handle. Siguro ang advice ko huwag masyadong matakot pumasok sa isang relationship.” Sa posibilidad naman na baka si Sarah na ang magpasaya sa kanya sa darating na Pasko, ang sagot ng actor, “May isang buwan pa naman ako, tingnan natin.

Lately rin ay nagiging matunog ang team up nina Xian Lim at Kim Chiu, na dating leading lady ni Gerald. Nang matanong naman siya kung ano ang advice niya kay Xian, ani Gerald, “Alagaan mo si Kim kung ganon. He’s a very lucky guy para makasama niya si Kim as an actress, as a love team, as a person.”

Marami naman daw ang nagmamahal sa kanya pero idinagdag ni Gerald na pinakaimportante ang pagmamahal sa sarili. “My friends and family of course nandyan naman sila lagi para sa akin, nagbibigay ng inspiration para sa akin. But ‘yung pinaka-support system is myself di ba? Kumbaga kahit ano’ng tulong at kahit ano’ng inspirasyon ang ibibigay sa ‘yo kung hindi ka rin sure sa ginagawa mo, wala ring mangyayari sa ‘yo.”