Anne Curtis on issue with GMA7 staff: 'Deadma na lang'

The actress says she is just airing her side on what really happened during the USTv Awards night.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/13/2011 10:30 PM
Anne Curtis on issue with GMA7 staff: 'Deadma na lang'


111411-anne-main.jpgLumikha ng ingay ang nangyaring USTv Awards launch last November 10 dahil sa ‘di pagkakaunawaang naganap sa pagitan ni Anne Curtis at ng ilang GMA7 staff. Naglabas ng maraming messages si Anne via her Twitter account noong araw na iyon dahil sa hindi natuloy niyang performance sa nasabing event. Supposedly ay kakanta dapat ang aktres subalit hinarang umano siya ng staff member ng GMA7 at sinabing hindi siya pwedeng mag-perform dahil ang dapat na raw sumalang sa entablado ay ang GMA7 artists.

Sa interview ng The Buzz, inilahad ni Anne ang nangyari sa nasabing event.  “Una, the time slot that was given to me was between 7:00 to7:30[pm,]” bungad ng Showtime host. “They made me go there (sa event). Andun na kami, tinawag kasi nila ako, (the USTv) people and they said it was my turn na. So nagpunta ako sa stage. Pababa na ‘yung TV5 people and then wala akong nakitang GMA7 artists doon, so it was me. And that’s when I saw the GMA7 staff saying nga na parang hindi daw ako pwedeng mauna.” Pagkatapos daw noon ay tsaka nakita ni Anne na lumalabas na ang artists ng nasabing network.

Nung hindi raw siya pinayagan ng GMA7 staff, nakiusap raw siya na hindi na lang siya kakanta para hindi matagalan. “I did talk to the GMA7 staff and I said, ‘Ate, 2 minutes lang (to say) hi-hello.’ I didn’t even understand what she replied to me kasi umalis na siya. Nasaktan ako kasi ano ba naman ‘yung bumati. Okay na nga sa akin kahit hindi na kumanta but they really didn’t allow me.”

Dagdag pa ni Anne hindi naman daw siya galit sa nasabing staff ng TV network.  “You know, I’m not dissing the artist, I’m not dissing the network. I’m just saying what happened para alam ng mga Thomasians kung ano ‘yung nangyari nong gabing ‘yon (at kung) ba’t bigla akong nawala. I guess they have their reasons naman so deadma na lang.

Naglabas naman ng official statement ang ABS-CBN Corporate Communications upang suportahan ang pahayag ni Anne. At idinagdag na hindi maiiwasan ang mga delays sa ganitong sitwasyon at hindi na na-control ng USTv organizers ang mga kaganapan. Kung kaya’t importante umano ang pagbibigay ng konsiderasyon sa ganitong sitwasyon.

Kinuha naman ng The Buzz ang panig ng USTv organizers subalit nang ilabas ang nasabing episode ay wala pa silang naging sagot.