• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin on Phil Younghusband: 'Kami ay dalawang taong in love'

Angel Locsin on Phil Younghusband: 'Kami ay dalawang taong in love'

The actress announces that she and Phil Younghusband are in love with each but are yet to become a couple.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/13/2011 10:46 PM
Angel Locsin on Phil Younghusband: 'Kami ay dalawang taong in love'


111411-angel-main.jpgKung ibang level na si Angel Locsin sa pag-venture niya sa comedy via the weekly sitcom na Toda MAX ay inamin din ng aktres na ibang level na rin ang relasyon nila ng kanyang rumored boyfriend na si Phil Younghusband.

Sa interview ng The Buzz with Angel na ipinalabas nitong Linggo, inamin ng aktres na mas malalim na ang pagtitinginan ngayon ng football player pero hindi naman niya inaming may relasyon na sila.

Sa tanong kung may relasyon na ba sila, ang nakakaintrigang tugon ng aktres, “’Di ko alam pero kami ay dalawang taong in love. ‘Yun kami ngayon. Pero relasyon, ayun dalawang in love na tao.”

Nang usisain si Angel kung boyfriend na ba niya si Phil, “’Pag tinanong ako ni Phil sagutin ko kayo pero sa akin kasi title lang ‘yon. Ang importante ‘yung happiness na nararamdaman ko ‘pag kasama ko siya, ‘di mapapantayan ng kahit ano’ng title.”

Paglalarawan pa niya sa athlete, “Sobrang bait talaga, wala akong masabi and ‘yun nga ‘yung masaya ka lang.”

Tumanggi rin ang aktres na tukuyin kung kelan nila nalaman ni Phil na nagmamahalan na sila. “Wala kaming, ‘O, eto ganito tayo, ganon, ganyan.’ Siguro ‘pag nagdaan ‘yung panahon… masarap ‘yung feeling. Try n’yo,” pagbibiro pa niya.

Paglalarawan pa ni Angel sa masayang estado nila ngayon ni Phil, “Recently ibang level na siya compared sa dating getting-to-know, iba na ngayon and nakikikita n’yo may picture ako sa kanya may picture siya kasama ako.”