Ramona Revilla flies to Turkey

Amidst the investigation over the death of her brother Ramgen, the suspect hides inTurkey and remains untouchable to authorities.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/11/2011 1:50 PM
Ramona Revilla flies to Turkey


111111-ramona_main.jpgNasa bansang Turkey na ngayon si Ramona Revilla, suspek sa pagpatay sa sariling kapatid na aktor na si Ramgen  Revilla.

Sa report ng ABS-CBN News, nasa asawang Turkish na si Engin Tuna Bulbuloglu si Ramona.

Sa isang local newspaper sa Turkey, ipinangtanggol ni Engin ang asawa, giit niya walang kasalanan si Ramona sa nangyaring pagpatay kay Ramgen.

Tiniyak din ni Engin na walang sinuman ang makakagalaw kay Ramona sa kanyang bansa.

Sa nangyaring pagtungo ni Ramona sa Turkey maraming OFWs na nakabase doon ang labis namang nag-aalala.

Pangamba ng OFWs baka maghigpit ang awtoridad sa Turkey dahil sa kontrobersiya na nakarating na doon.

Walang extradition treaty ang Pilipinas at Turkey kung kaya't naisin man mahihirapan ang awtoridad ng Pilipinas na puwersahang pabalikin si Ramona sa  bansa.

Sa ngayon ay binibigyan na lang ng halos isang linggo si Ramona para  sa kanyang sworn statement.

Kung sa November 18 ay hindi makaharap si Ramona sa Prosecutor's Office  ay magde-desisyon na ang piskalya kung may probable cause ba na sampahan siya ng kaso at kung mayroon nga ay isasampa sa kanya ang mga kasong murder at frustrated murder.