• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman laughs off rumors linking him to Nadia Montenegro

JM de Guzman laughs off rumors linking him to Nadia Montenegro

JM de Guzman explains the recent sightings of Nadia Montenegro at his condo and stresses they're just friends.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

11/11/2011 9:23 AM
JM de Guzman laughs off rumors linking him to Nadia Montenegro


111111-jm_main.jpgSa panayam ng ilang entertainment press kay JM de Guzman, isa sa mga mainit na pinag-usapan ay ang napapadalas na pagbisita di umano ni Nadia Montenegro sa kanyang condo. Pero ayon sa young actor, wala raw katotohanan ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanila ng controversial former actress. “Hindi naman lagi, mga twice lang. Kasama niya mga anak niya, tapos mga barkada ko. Pinagluluto niya kami ng pagkain,” paglilinaw ni JM sa ginanap na press con ng kanyang pagbibidahang teleserye, Angelito Batang Ama.

Ipinaliwanag din ni JM kung paano sila nagkakilala ni Nadia. “May mga kaibigan ako na kilala si Tita Nadia, tapos napakilala lang [siya sa akin] ng kabarkada niya [na] kabarkada din ng kabarkada ko. In short, through common friends. Recently, lang kami nagkakilala, mga two months [ago].”

May mga ilan kasi ang kumukwestiyon sa pagkakaibigan ng dalawa dahil bukod sa malaki ang kanilang age gap ay naturingang may asawa si Nadia. Hindi ba siya nag-aalangan kung bakit nagpupunta sa kanyang condo si Nadia? “Mawi-weirdo-han lang ako kung mag-isa lang siya, pero kasama niya lahat ng mga anak niya. Kumakain kami, parang bonding-bonding lang...kasi kakalipat ko lang ng condo. Nagkaroon lang ng house blessing.”

Nang diretsahang tanungin si JM kung may posibilidad na mauwi sa relasyon ang pagkakaibigan nila ni Nadia, hindi maiwasang magulat at matawa ng batang aktor na may ganong impresyon ang ibang tao. “Grabe naman! Parang nanay-nanayan lang naman din [ang turing ko sa kanya]. Wala... Wala naman masamang intensyon, wala naman siyang masamang ginawa sa akin.”

Hindi ba siya natatakot na ma-link sila ni Nadia dahil sa pagbisi-bisita nito sa kanyang condo? “Hindi naman na naulit. Dalawang beses siya nakapunta. Tsaka kasama naman sila Alwyn [Uytingco], iba naming guy friends, at kasama daughters niya (Nadia). nakilala ko lang siya talaga through common friends.”