• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador admits that she's not yet ready to work with Coco Martin again

Maja Salvador admits that she's not yet ready to work with Coco Martin again

Maja Salvador explains why it will take time before her boyfriend Matteo Guidicelli and Coco Martin can be totally on good terms with each other.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

11/1/2011 11:24 AM
Maja Salvador admits that she's not yet ready to work with Coco Martin again


110111-maja_main.jpgDiretsong inamin ni Maja Salvador na hindi pa siya handang makatambal muli si Coco Martin matapos ng kontrobersiyang kinasangkutan nila at ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Pero hindi naman daw niya tinutuldukan ang kanilang love team lalo na’t maraming fans ang sumuporta sa kanila noon sa Minsan Lang Kita Iibigin. “Let’s see. Hindi ko kinu-close ang door…Basta kapag handa na ang lahat. Hindi pa kami nag-uusap ng talagang usap. Basta, let’s move on,” ani Maja sa panayam sa kanya ng ilang ABS-CBN reporters noong October 24.
 
Maging si Coco at Matteo ay naghihintay pa rin daw ng tamang panahon bago sila magharap at mag-usap tungkol sa kanilang engkwentro noong Star Magic ball. Ipinaliwanag ni Maja kung bakit hindi ganon kadaling mangyari yun. “Kailangan nating intindihin na hindi naman sila girls na kapag nagkita tsika agad. Siyempre mga boys, so matagal ‘yan. Yung talagang, siguro after three of four years, kapag nagkita sila, wala na. [I will mediate] kung may pagkakataon, pero antayin natin maging handa lahat especially Coco.”
 
Base sa pahayag ni Maja, tila matatagalan pa bago tuluyang magkaayos silang tatlo nila Coco at Matteo. “Hindi pa sila nag-usap. We’re (Matteo and Maja) still waiting kasi ‘di ba yun ang sabi ni Coco? Darating din tayo d’yan. At least nagsabi na si Matteo sa interview [noon sa The Buzz], humingi na siya ng sorry. At si Coco sinabi niya na happy siya na sa side namin gusto makipagayos.
 
Magkakaroon na ba siya ng limitasyon kung sakaling maging magka love team ulit sila ni Coco? “Matagal naman ng alam ni Coco. From the start pa lang ng Minsan Lang Kita Iibigin, alam na niyang may relasyon kami ni Matteo and he knows na wala akong limitation kasi trabaho ko yun.”  
 
Matatandaang inamin noon ni Matteo na pinagselosan niya ang team-up ni Maja at Coco sa Minsan Lang Kita Iibigin pati ang closeness nila behind the camera. Pero para kay Maja, hindi naman daw talaga selosa ang kanyang boyfriend. “Actually, hindi siya masyadong seloso. First showbiz relationship lang kasi niya [yung sa amin] ‘di ba? So hindi pa niya alam kung anong dapat ikilos at galaw dito sa mundo natin. Siyempre ilang taon pa lang siyang artista so kailangan natin siyang intindihin.”
 
Anu-ano ang natutunan niya ngayong nalampasan nila ang nasabing kontrobersiya? “Maraming kailangan pahalagahan sa buhay. Hindi lang yung mahal mo sa buhay or yung trabaho mo, marami. Yung after ng nangyari, parang nagising din ako kung ano pa yung dapat ko gawin para sa future ng family ko at siyempre marami din akong lesson na natutunan about friendship.”