Charice's father killed in Laguna

The international star opens up on Twitter about her struggle with her father's siblings.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/1/2011 11:23 AM
Charice's father killed in Laguna


110111-charice_main.jpgPatay sa pananaksak si Ricky Pempengco, ama ng international singing sensation na si Charice nitong Lunes ng gabi sa San Pedro, Laguna.
 
Sa ulat ng ABS-CBN News nakikipag-inuman si Ricky at nang umalis ito para bumili ng sigarilyo bigla itong pinagsasaksak gamit ang ice-pick ng suspek na kinilalang si Angel Capili, Jr..
 
Nakalakad pa at  napaupo ang biktima nang undayan pa ulit ito ng saksak ng suspek.
 
Tumagos ang ice-pick sa katawan ni Ricky na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
 
Sa ngayon ay hindi pa huhuli ang suspek.
 
Samantala, maliban sa pagluluksa naglabas naman ng sama ng loob si Charice sa mga kapatid ng kanyang ama.
 
Sa kanyang official Twitter account, hindi nagustuhan ni Charice ang sinabi ng kapatid ng kanyang tatay na malamang ay masaya na siya at ang kanyang kapatid at inang si Raquel sa pagkamatay ni Ricky.
 
"Para sa mga kapatid ng daddy ko, wala kayong karapatang sabihin o hulaan ang nararamdaman ko. Sino kayo para sabihing masaya ako sa pagkawala ng SARILI KONG AMA? Kapatid lang kayo at ako ay ANAK. Kung natatandaan nyo, KAYO MISMO ANG NAGSABI SA AMIN NA IWASAN ANG DADDY KO. Sinabi nyo pa na wag gamitin ang apelyido nya. Hindi pinagbawal ni mommy na dalawin ang daddy namin pero HINDI NYO KAMI PINAYAGAN. Wala kayong respeto sa PAMILYA NYA para sabihin nyo yan ngayon! Imbis na ayusin nyo, sinisira nyo pa!
 
Alam ko na nagalit ako sa kanya! Pero hindi ko sinabing itinatakwil ko sya! matagal akong naging tahimik sa mga eskandalong ginagawa nyo. Pero ngayon, di ko na kaya pati sa pagkamatay nya GANYAN PARIN KAYO. Hindi ako takot. Lalo na sa mga taong walang respeto," ani Charice sa Twitter.
 
Sa panayam naman ng abs-cbnNEWS.com sa ina ni Charice na si Raquel Pempengco, inamin nitong nabigla siya sa malagim na sinapit ng dating asawa.
 
Bagamat wala silang koneksyon ni Ricky, sinabi ni Raquel na napatawad na niya ang yumao.
 
"Matagal ko na siyang napatawad."
 
Dahil sa pagpatay sa ama ni Charice, nakatakda ang huli na bumalik agad ng bansa para samahan ang pamilyang nagluluksa ngayon.
 
Humingi ng paumanhin si Charice sa mga fans niya sa Singapore dahil hindi na siya makakasama pa sa show nila David Foster at iba pang international artists.