• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda says he does not give Kris Aquino special treatment

Vice Ganda says he does not give Kris Aquino special treatment

For Vice Ganda, it is better to have a few but honest friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/9/2011 8:37 PM
Vice Ganda says he does not give Kris Aquino special treatment


101011-vice-main.jpgSa The Buzz kanina ay pinag-usapan kung anong klaseng kaibigan si Vice Ganda na puring-puri ni Kris Aquino at sinabi pa ng Queen of Talk na sana hanggang sa pagtanda nila ay manatili silang magkaibigan. Pagbabahagi ni Vice, “Si Kris kasi kaming dalawa ‘yung nabuo naming friendship ibang klase rin. Makulit kasi ‘yan nung nagi-guest guest ako sa programa niya sa programa (nila) ni Tito Boy (Boy and Kris) lagi kaming nag-uusap, naaaliw siya halos gawin niya akong regular sa programa niya.

Sabi pa ng komedyante, hindi niya itinuturing na iba si Kris sa iba pa niyang close friends. “Si Kris kasi hindi ko itinuturing na kakaiba. Hindi ko itinuturing na iba kasi Kris Aquino ka, iba kay Toni Gonzaga, iba ka kay Anne Curtis, iba ka sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa parlor. Iba ka sa mga kaibigan kong nagto-tong its sa mga bahay nila sa Tondo. Pareho-pareho kayong mga kaibigan ko hindi ka pwedeng maging espesyal dahil si Kris Aquino ka.

Ipinaparamdam ko sa kanya ‘yon para maramdaman niya tao ka. Kasi si Kris usually andami niyang kaibigan. Nakikita ko parang Diyos. Hindi na tuloy siya nage-enjoy na parang minsan nagdudududa siya ineechos ba ako nito o hindi?” Madalas daw kasi ay puro papuri ang naririnig ni Kris. “(Pag sinabing) ‘Ganda mo, Kris, ganda ng buhok mo’, sasabihin ko, ‘Pangit ang buhok mo, girl’. Ginaganon ko. ‘Girl pangit ang suot mo’. Sinasabi ko sa kanya pangkaraniwang kaibigan (ang turing ko sa kanya). Walang pinagkaiba sa mga kaibigan ko sa parlor. Kung gaano ko sila minahal ganun ko minamahal si Kris Aquino para mapatunyan ko sa kanyang sincere ang pagkakaibigan ko sa ‘yo di kita niloloko.”

Depensa pa ni Vice, hindi kailangan ng maraming kaibigan kung hindi naman totoo sa iyo ang mga ito. “Marami ka ngang kaibigan na kasama echusan lang akyo ng echusan. Apat, lima pero totoo. ‘Yung humagulgol ka may sasapo ng sipon mo ‘yung ganon.

Samantala, naging emosyunal noong Sabado si Vice Ganda nang ma-evict na finally si Ryan Bang bilang hurado ng Showtime. Naging very close kasi ang dalawa at naging nanay-nanayan pa ang komedyante sa Korean national na naging produkto ng Pinoy Big Brother. Wala raw kasing pamilya dito si Ryan at dikit nang dikit kay Vice Ganda. Umabot na nga raw sa puntong natutulog na si Ryan sa kanyang kuwarto at iba raw talaga ang attachment nila.