• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on whether she and Piolo Pascual are still together: 'Hindi ko po alam'

KC Concepcion on whether she and Piolo Pascual are still together: 'Hindi ko po alam'

The actress-host recently flew to Europe to soul search and think things over.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/9/2011 10:10 PM
KC Concepcion on whether she and Piolo Pascual are still together: 'Hindi ko po alam'


101011-kc-main.jpgLumabas ang mga blind item na tila tumutukoy na hiwalay na umano sina Piolo Pascual at KC Concepcion at ang pag-alis ni KC noong Miyerkules, October 5 patungong Europe, ay lalong nagpatindi sa ingay kung may katotohanan ba ang isyung ito. Pero bago lumipad si KC ay naabutan siya ng The Buzz at nakapanayam siya (panoorin ang interview dito). Sa mga sagot ng dalaga lalo lamang lumakas ang mga hinala na may pinagdadaanan sila ngayon ng boyfriend.

Sa dahilan ng kanyang pag-alis, ang sabi ni KC, “Kelangan ko lang ng oras para sa sarili ko. Sa dinami-rami ng mga nangyayari o nangyari siguro kailangan ko lang mag-isip talaga. Kailangan ko lang ng konting time para mapag-isipan ‘yung mga nangyayari and para lang mahanap ko lang ang sarili ko ulit.

Dagdag pa ng actress-host makakatulong sa kanyang pag-iisip ang makasama ang kanyang mga kaibigan at mamalagi muna sa lugar na tinirhan niya ng matagal na panahon. “Siyempre comfort zone ko ‘yung Europe tamang-tama lang na nandun ‘yung mga childhood friends ko. Maganda rin ‘yung kasama ko rin ‘yung mga matagal ko nang kaibigan tsaka ‘yung makapunta ulit sa lugar na makakapagpasaya rin sa akin.

Paliwanag pa ni KC, nataon pa na may mga espesyal na events ng mga kaibigan na kanyang dadaluhan. Ikakasal daw ang isa niyang kaibigan at nagbabalak pa silang pumunta sa Paris, France kung saan nag-aral si KC ng kolehiyo. “Sinama nila ako kasi gusto nilang makaikot sa mga lugar na hindi masyadong alam ng mga turista. Parang kailangan ko lang ‘yung ilang araw para lang huminga nang konti. Kailangan ko lang talaga itong time na ito para lang makapag-isip ako, para lang maklaro ‘yung utak ko. Bumabalik ako na talagang buo pa rin ‘yung ako.

Nang tanungin siya kung nagpaalam ba siya sa kanyang boyfriend na si Piolo. Tumawa muna si KC. “Hindi ko alam,” makahulugan niyang sagot. Dinugtungan ito ng tanong na kung si Piolo ang dahilan kung bakit naisipan niyang magbakasyon muna. “Hindi ko alam. Hindi ko alam. Basta kailangan ko lang ng time na mag-isip lang talaga.” At nang tanungin kung sila pa ba ang aktor, paiwas na pa rin ang sagot ni KC. “Hindi ko po alam,” huling sambit ng aktres.