Gerald Anderson: 'Kulang pa rin kung walang love life'

Gerald Anderson says focusing on his career and having a love life at the same time is not an easy task.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/9/2011 9:47 PM
Gerald Anderson: 'Kulang pa rin kung walang love life'


101011-gerald-main.jpgIsa na namang de-kalibreng teleserye ang handog ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Budoy na pinangungunahan ni Gerald Anderson ang magsisimula ngayong Lunes, October 10. Ginanap noong Biyernes, October 7 sa The Podium, Ortigas ang sneak peek sa unang limang episode ng programa at umani ito maraming papuri mula sa mga press people.

Sa The Buzz kahapon, naging guest si Gerald at sa isang video presentation para sa binata, sinabi ng kanyang co-star sa Budoy na si Janice de Belen na buong-buo na ang pagkatao ng aktor. “Siyempre may kulang pa rin kung walang love life. Kulang pa rin,” reaksyon ni Gerald. Pero sinabi niya na naging buo ang kanyang pagiging aktor dahil sa Budoy. “This is a dream role. A role of a lifetime. Sobra akong blessed sobra akong thankful,” sambit ng Fil-Am actor.

Sinabi naman ng kanyang nanay na si Vangie na sana ay magkaroon ng panahon si Gerald sa sarili dahil subsob sa trabaho ang anak. “Sa ngayon hindi pa masyado, wala pa po akong oras sa sarili ko kasi syempre nagti-taping pa po ako, tapos nag-start na po ako ng movie ko with Sarah Geronimo under Star Cinema. Medyo everyday na po akong nagwo-work.” Ito rin daw ang dahilan kung bakit zero love life siya. Sang-ayon naman daw siya na puwedeng pagsabayin ang love life at career pero sobra daw kasi ang kailangang effort dito. “Medyo mahirap din po ‘yan you have to focus on one thing lalo na po sa isang role na kagaya ng Budoy.”

Marami naman daw siyang inspirasyon gaya ng kanyang loved ones pero aminado rin siya na nakaka-miss din ang pagkakaroon ng love life. “Minsan nakaka-miss din ‘yung gumu-goodnight sa ‘yo. May mag-a-I miss you sa ‘yo, kumain ka na ba?” naka-ngiting sagot ng aktor.