• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigemann says she has not yet forgiven the father of her child

Andi Eigemann says she has not yet forgiven the father of her child

The young actress says she is happy and is just really excited to be a mother to her baby girl.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/9/2011 9:57 PM
Andi Eigemann says she has not yet forgiven the father of her child


101011-andi-main.jpgSa The Buzz kanina ay nagsalita na si Andi Eigenmann tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang exclusive interview with Boy Abunda after ng kanyang maiksing panayam din ukol dito sa late news show na Bandila. Sinabi ng aktres na na-realize niya na ang kanyang pagbubuntis ay isa palang blessing. “I realized that it wasn’t bad at all because of the fact that a lot of people are supporting me (at) nakaintindi ng sitwasyon ko,” simula ni Andi.

Inamin din ni Andi na ang unang nakaalam ng kanyang pagdadalang tao ay ang ama ng kanyang baby na minsan na niyang nabanggit sa kanyang blog na si Albie Casino.  “It was the two of us that tried to go through it. Sadly it ended up na ako na lang mag-isa.

Ang una raw niyang sinabihan sa kanyang pamilya naman ay ang kanyang older sister na si Max Eigenmann. “Nagulat siya sobra. Tapos naiyak siya ganyan. After than naging magaan na ang conversation na excitement na lang.” Dagdag pa ni Andi hindi muna niya sinabihan ang ina na si Jaclyn Jose pero pakiramdam ni Andi ay natunugan din ito ng ina. “Nag-suspect na siya. Mommy ko siya siguro maternal instinct.” Ganun pa man, hindi raw siya pinagalitan ng ina. “Alam ko nasaktan siya, alam ko umiyak siya, alam ko she felt bad about it pero hindi niya po ipinakita sa akin ‘yon. She also knew that I needed not only a mother who will discipline me or who will point out what I did wrong but I need someone who will be there to catch me because I was falling apart. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko. I didn’t expect it. It wasn’t even because I was so young because. I’m not married, it wasn’t about that. It was because I knew I wasn’t ready.”  

Alam daw ni Andi na hindi siya pababayaan ng kanyang ina at higit sa lahat alam raw niya na wala silang pagkakamali sa kanyang pagbubuntis. “Alam ko talaga na wala akong pagkakamali dito kasi kahit ang mommy ko, hindi niya ako hinusgahan, she knows best.”

Kahit daw sa kanyang ama na si Mark Gil ay mas lalo siyang naging close at araw-araw daw siyang kinukumusta ng kanyang ama.

Inasahan din daw ni Andi na hindi na masyadong magpaparamdam ang kanyang mga kaibigan pero nagulat siya dahil mas madalas daw silang mangamusta ngayon sa kanya.

Sa tanong kung nagpatawad na ba siya, lalo na sa ama ng kanyang dinadala, ang sagot ni Andi, “Sadly hindi. But the only reason because walang nanghihingi ng tawad sa akin sadly. But it’s okay. Hindi ko naman sila kailangan.” Sa ngayon daw ay masaya ang kanyang puso at sobrang excited sa kanyang magiging anak. Aniya mas magiging matatag daw siya sa kanyang magiging responsibilidad.