Sharon Cuneta says she won't leave ABS-CBN

The Megastar shares she doesn't see any reason to leave the Kapamilya network.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/7/2011 10:09 AM
Sharon Cuneta says she won't leave ABS-CBN


100611-sharon_main.jpgWalang nakikitang dahilan si Megastar Sharon Cuneta para iwanan ang ABS-CBN  ito ay matapos pumutok ang isyung lilipat siya sa ibang network.

Sa panayam ng ABS-CBN News matapos ang kanyang matagumpay na concert sa Europe, iginiit ni Sharon na masaya siyang nagta-trabaho sa Kapamilya network.
 
"So far, yes I'm happy with ABS-CBN. I have no idea what's going on back home. I just got word from boss Vic (del Rosario) that he would like to sit down with me when I get home, something important has come up. Ang dami kong naririnig na mga tsismis pero wala pa naman akong nakakausap. At this point in my career, I don't see yet any reason to leave ABS-CBN. I love Ma'am Charo (Santos-Concio, ABS-CBN's president and chief operating officer) very much," ani Cuneta.

Pero kahit na wala pang balak na iwanan ang ABS-CBN, iginiit ni Cuneta na bukas naman siyang pakinggan ang mga taong nago-offer sa kanya ng iba pang oportunidad.

Si Sharon ay ang main host ng "Biggest Loser Pinoy Edition" na nakatakdang magtapos  sa Sabado (Oktubre 8).

Kamakailan lang ay pinatunayan ni Cuneta ang kanyang kinang ng ilang daang fans niya ang dumagsa sa kanyang show sa Vienna, Austria.

Kasama din niya sa nasabing show ang kanyang anak-anakan na si Angeline Quinto, grand winner ng "Star Power" kung si host si Sharon.

Ani Cuneta, bukas siyang magbalik sa Europe para mag-show kung bibigyan ulit ng pagkakataon.

"It would probably be nice to do a show in, maybe in Italy or Rome, and bump into other Filipinos again. Basta go around Europe," ani Sharon.