• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on Kim Chiu: 'Mas okay kami ngayon as friends'

Gerald Anderson on Kim Chiu: 'Mas okay kami ngayon as friends'

Gerald Anderson says that he and Kim Chiu are better off as friends than in a romantic relationship.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

10/7/2011 8:45 AM
Gerald Anderson on Kim Chiu: 'Mas okay kami ngayon as friends'


100711-kim_main.jpgHindi nag-aalala si Gerald Anderson sa posibilidad na maikumpara ang Budoy sa teleserye ni Kim Chiu na My Binondo Girl dahil magkaibang genre naman daw ang kanilang proyekto. “Hindi siya dapat maging conflict kasi our shows are catering to different viewers. Tsaka masaya ako para sa kanya kasi nagumpisa na yung project niya at maraming may gusto sa Binondo Girl. Ang gwapo niya [bilang Yuan]. Buti nga hindi na kami magka-love team kasi kung hindi ma-i-insecure ako,” ani Gerald sa panayam sa kanya ng Push.com.ph at ibang entertainment writers sa set ng Budoy last October 5.

Matagal-tagal na raw nang huli silang magkita ni Kim, pero kahit papaano ay nagkakabalitaan daw naman sila via text messages. “The last time na nagkita kami, yun yung nagpunta kami ng mall, nag-dinner kami kasama ng pamilya ko at friends,” pagtukoy ni Gerald sa napabalitang pagtatagpo nila ng dating ka-love team sa Eastwood two months ago. “Pero kapag nakakapanood ako ng episode ng My Binondo Girl, tinetext ko siya. At inaabangan din kasi niya yung Budoy.

May mga usap-usapan kasi na nagkabalikan muli sina Gerald at Kim na hanggang ngayon ay pilit pa rin daw tinatago ang kanilang relasyon. Bagay na itinanggi naman ng binata dahil masyado raw siyang focused sa kanyang showbiz career ngayon. “Aaminin ko na [bang may relasyon kami] kung magkakabalikan kami? Tignan natin kung magkakabalikan kami. Pero wala pa naman e, wala pa yun, hindi ko iniisip yun,” simpleng pahayag ni Gerald.

Dagdag pa niya, mas nakabuti raw na pinaghiwalay ang love team nila ni Kim dahil nagkaroon sila ng pagkakataong mas maging mahusay na artista. Bukod dito ay mas napagtibay din ang kanilang pagkakaibigan dahil sa mga kontrobersiyang pinagdaanan nila noon.

Tingin ko mas okay kami ngayon as friends na kapag nagkikita kami, [mas madami kaming napagkwekwentuhan dahil] ang tagal naming hindi nag-uusap. Kumbaga dati lagi kami magkasama eh. Ngayon ang tagal bago ulit kami magkita. Kaya kapag nagkikita kami sa ASAP, kung anu-ano ang mga pinag-uusapan namin. Masarap din na ganon.”

Naniniwala ba siya sa kasabihang love is sweeter the second time around? “Kung posible bang maging mas sweet kami? Hindi ko alam e. Siyempre iba yung [turingan kapag] friendship, iba yung girlfriend.”  Safe din ang naging sagot ni Gerald ng diretsahan siyang tanungin kung willing ba siyang makipagbalikan kay Kim ngayong malalim na ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan. “Mas maganda ba yun? Tignan natin.